Kabanata 90 TULOY NA TULOY na ang pagpunta nila Homer at Hazel sa Europe. Hindi na siya nagpasama pa ng iba bukod sa kanyang pinsan na si Douglas. Nag-vacation leave na muna ito sa kanyang trabho bilang doktor upang masamahan lamang siya. Oras na ng kanilang pagpunta sa airport nang mawala si Hazel sa kinuupuan nito. Dumating na ang kanilang sundo na maghahatid sa kanila. “Ako na ang magsasakay sa ating mga gamit. Hanapin mo nalang si Hazel baka nag-cr lang iyon,” ani ng kanyang pinsan. “Sige Kuya,” Kaagad na tumalikod si Homer sa pinsan at nagtungo sa pinakamalapit na CR sa mansyon. Eksaktong pagtungo niya roon ay lumabas ng banyo si Hazel at medyo nagulat ito. “Kanina pa po ba kayo Senorito?” tanong ng dalaga sa kanya. “Hindi naman ngayon lang... aalis na tayo.” “Sige po.” Napansi

