Kabanata 89 HABANG lumilipas ang mga araw na paghihintay ay napapansin ni Homer na mas lalo pang humihina si Gregory. Mas limitado na ang kilos nito pero may gana pa naman rin itong kumain ngunit hindi na tulad ng dati na nauubos nito ang pagkain. Bawat linggo ay nababawasan na rin ito ng timbang. Wala pa silang nakukuhang sagot mula sa pamilya ng dating kasamabahay kung papayag ba ang mga ito sa kanilang gusto. At wala pa rin siyang balita tungkol kay Althea. Habang tumatagal ay ayaw na ni Homer gawing mas komplikado ang lahat. Kung ang tanging magpapagaling lang kay Grgegory ay ang anak mula sa sinapupunan ng ibang babae ay kanyang gagawin. Mahirap na rin hintayin si Althea lalo pa’t pinutol na nito ang commucation sa Pinas. Alam niyang kasalanan niya iyon dahil tinawagan niya ang bab

