Kabanata 88 HINDI alam ni Homer kung tama ba ang kanilang desisyon na kunin si Hazel na magiging ina nang kanyang isa pang anak. Habang nakatingin siya sa dalaga ay naaawa siya rito lalo na sa ka-inosentihan nito. Kung maari lang sana ay ang kukunin nila iyong may anak na para alam nito ang gagawin kapag nagbuntis na ito. Ang kagaya ni Hazel na dalaga ay medyo hindi naaayon sa kanyang gusto ngunit wala nang magagawa pa si Homer. Si Hazel ang gusto ng kanyang Lolo John. At palaga, ang kanyang mga abuelo at abuela ang masusunod. Pauwi na sila ng mansyon nang pumasok bigla sa kanyang alaala si Althea. Kumusta na kaya ito ngayon? Si Savier? Kumusta na kaya ngayon ang bata? Wala pa siyang balita at sana naman maayos ang lagay ng dalawa. “Okay ka lang ba Kuya Homer?” tanong sa kanya ni Shasma

