Kabanata 123 KATATAPOS lang maligo ni Homer nang makatanggap siya ng text mula kay Althea na pumapayag ang pamilya nito upang pumunta sila ng Spain. Walang pagsidlan ng saya ang puso ni Homer nang matanggap ang balitang iyon. Kaagad na rin niyang pinaasikaso ang kanilang mga papeles dahil sooner o later ay aalis sila. Wala na dapat pa silang oras na sayangin lalo pa’t buhay ni Savier ang nakataya rito. Kaagad siyang nagtungo sa likuran ng mansyon dahil nandoon ang kanyang Kuya Douglas at pinsang si Cyrous. Katatapos lang kasi nilang mangabayo at nauna na siyang maligo sa mga ito ito dahil binibigyan pa ng vitamins ng dalawang pinsan ang lahat ng kabayo. Hindi makapunta ang vet sa mansyon at humiling ito na sila nalang muna ang magbibigay ng naturang gamot. “That’s great, kailan kayo aa

