Kabanata 124 HINDI ALAM ni Homer na tila magkakaroon yata ngayon ng reunion dahil ang buoang akala niya ay si Veronica lang ang uuwi ng Bohol ngunit nalaman na lamang niya na susunod rin si Peter kinabukasan. At kagabi niya lang din nalaman na uuwi din si Alleyah. Hindi nga raw ito papayagan ni Dominic dahil ang dami pang gagawin ngunit mapilit ang pinsan kung kaya’t wala na itong nagawa pa. Si Eskel ay ganoon din, uuwi din ito para raw kompleto ang lahat. Ngunit sa tingin ni Homer ay hindi siya magkakaroon ng pagkakataong makasama niya ang pamilya sa mansyon dahil kanina pa sila nakaalis. Nandito sila ngayon sa mansyon ng kanyang Tito Alvin. Mas mabuting bigyan na muna ng pagkakataong makapag-isip ang dalawang matanda dahil grabeng stress ang kanyang naibigay sa mga ito. “Huwag mo nang

