Kabanata 126 HABANG pinagmamasadan ni Homer si Althea habang kumakain ay bigla siyang napangiti. Sobrang hindi niya inakala na magiging ganito sila pagkatapos ng mga nangyari. Minsan naiisip niya kung totoo nga ba ang ipinapakita ni Althea sa kanya o hindi. O baka gusto lang maghiganti ng babae sa kanya dahil sa ginawa niyo noon. Pero wala naman siyang nakikitang motibo sa pagpapatawad sa kanya ng babae. Ngunit kung mayroon man ay susulitin niya na lamang ang mga sandaling magkasama sila. Pero ramdam naman ni Homer na ito pa rin ang Althea na kilala niya noon ngunit may kaunti nga lang pagbabago. “Baka matunaw ako niya Homer, kanina ka pa titig ng titig sa akin. Alam ko namang maganda ako, e. Kaya hindi mo na kailangan pang tumitig,” natatawang wika ng babae na nagpabalik sa diwa ni Hom

