Kabanata 127 UNTI-UNTING inilayo ni Homer ang kanyang katawan mula sa pagkakayakap kay Althea dahil masiyado nang matagal ang pagkakayakap sa babae. Nang magawang makalayo ay hindi niya inalis ang kanyang tingin sa maamo at magandang mukha ng babae. Hindi niya alam ngunit bigla na lamang siyang nakaramdam ng saya at may halong lungkot. Masaya siya dahil kahit papaano ay nandiyan pa rin ang babae. Malungkot dahil hindi niya alam kung hanggang kailan sila ganito knowing na magkaibigan lang sila ng babae. “Mula noon at hanggang ngayon Althea ay ikaw pa rin ang tinitibok nitong aking puso. Walang magbabago at kailan man hindi magbabago,” wala sa sariling wika. Ang alam lang ni Homer ay sinasabi niya lang kung ano ang nararamdaman ng kanyang puso. “Homer,” tanging wika ng babae.Tila umuuron

