CHAPTER 1 Ang pagtatagpo ng landas ng dalawa
Nasa lobby ako papunta sa suite room ng hotel room ko, nag umpisa na akong maka feel ng ibang init sa katawan, alam ko spiked ang ininom ko na wine dahil sa nararamdaman ko ngayon. Hindi takot ang gumawa nito, pag malaman ko kung sino makakatikim siya ng galit ko.
Nang buksan ko ang pinto ng room ko naamoy ko na kaagad ang pabango ng isang babae. Ibang klase ang pabango na ito, ngayon ko lang ito naamoy, ibang klase magbigay init sa katawan ko. Nang makapasok ako sa aking bedroom nakita ko meron nakahiga na babae na tulog na. Maganda, mala porselana ang kutis ng katawan at hindi ko mapigilin ang lubos na pag init ng katawan ko.
Kailangan maging akin ka.
Nang halikan ko siya sa parte na leeg niya umalma siya.
“Please help me answer sa init ng katawan ko.”
Hindi naman umalma at parang nagustuhan din niya ang ginawa ko at dahil doon pinagpatulog ko ang pag angkin sa babaeng ngayon ko lang nakita ngunit tumatak sa pagkatao ko.
Ilang oras ko rin siyang inangkin ng paulit-ulit at namangha ako dahil ngayon lang ito nangyari sa akin. Lahat ng naging kaulayaw ko sa kama ay isang beses ko lang inangkin. Pagkatapos ng isang beses wala na akong maramdaman at hindi ko na sila gustong angkinin ulit pero ang babaeng ito na kahit pangalan ay hindi ko alang ay naging isang tatoo na hindi na mawawala sa aking katawan. Gusto ko pa siyang angkinin ulit kahit na alam ko na she so tired already.
Siya si Marcy Urvano CEO at may ari ng URVANO GROUP OF COMPANIES. Isang anak ng isang driver lamang.
******
Nasa labas ako ng mansion na pinagsisilbihan ng Tatay ko at Nanay ko. Narinig ko ang pagtatalo ng mga amo namin.
“ Ambrosius magpapaliwanag ako please, mahal kita at hindi ko kayang saktan ka at traydorin.”nag iiyak na ang asawa niya na si Madame Cleofe pero hindi nakinig sa kanya ang kanyang asawa at galit na galit na pinaghahampas ito hanggang mawalan ng malay. Nakasilip ako sa nakagiwang na panid na pinto. Alam ko nagawa yun ni Sir Ambrosio sa sobrang galit at kahit na galit ito hindi pa rin niya maiwasan na dumaloy ang luha sa mga pisngi niya. Narinig ko na sinabi niya sa nakahandusay niyang asawa na hindi niya makayanan ang natuklasan niya na sa mahabang panahon na kanilang pagsasama nagawa nitong pagtaksilan siya at traydorin at binigay ang mga impormasyon na dapat ay sa kanilang negosyo lang manatili.
“Yan Cleofi ang hindi ko kayang palagpasin ang traydorin mo ako. Ako na buong buhay ng pagsasama natin ay binigay ko ang lahat sayo dahil mahal kita yun pala ang pagsasama natin ay mga kasinungalingan lang ang dala mo. Walanghiya kang babae ka kabuhayan sana ng anak natin ay ibinahagi mo pa sa iba. Ginawa mo pa akong tanga na buong akala ko ay kasangga kita sa lahat yun pala ay ginawa mo lang dahil sa lalaki mo.”
“Marci anong ginagawa mo dyan?”hindi ko pala namalayan na dumating si Tatay sa likuran ko.
“Wala tay kararating ko lang din hinahanap kita”, pagpapaliwanag ko sa kanya.
“O puntahan mo si Nanay mo dahil hinahanap ka anak magpapatulong siya sayo sa sasampayin niya, sige na at meron pa kaming pag uusapan ni Sir Ambros na importante hintayin mo na lang ako sa bahay.
“Pero Tay huwag ka muna pumasok dahil nag aaway sila ni Sir at Ma’am.”
“Sus kailan ka naging tsismoso anak, sige na puntahan mo na Nanay mo susunod ako kapag natapos na kami mag usap ni Sir Ambros.”
Lumakad na nga ako pero ang mga mata ko ay nasa kay Tatay pa rin hanggang makapasok siya, tumuloy na din ako para puntahan si Nanay pero nararamdaman ko pa rin ang pag aalinlangan.
Nakita ko na malapit na nga si Nanay matapos ng mga labahin niya.
“Ay salamat naman dumating ka na anak, nagkita kayo ni Tatay mo?
“Oo po Nay pumasok po siya sa mansion after niya sabihin sa akin na hinahanap mo ako at magpatulong ka. Ako na po nyan Nay mag relax ka na muna ng 1 hour dahil magprepare ka na naman ng lunch nila. At Nay mamaya dalhan mo naman ako ng buttered chicken mo alam ko yan ang lulutuin mo dahil nakita ko nag prepare ka kagabi.”
“Don’t worry mag set aside ako para sayo wag lang maingay ha at dapat tulungan mo rin ako.” Sabi ni Nanay sa akin
“Sure Nay ako na po maghuhugas ng pinagkainan nila.”
Nang matapos akong magsampay ng mga damit na nilabhan ni Nanay nagulat ako ng dumating ang mga pulis at derecho sila sa mansion. HIndi din sila nagtagal doon at laking gulat ko ka na kasama ang Tatay ko na lumabas ang mga pulis at nakaposas na ito. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at nilapitak ko si Tatay at tinananong.
“Tay bakit nakaposas ka po?”
“Anak para to sayo huwag kayo ni Nanay mo mag alala dahil si Sir Ambos ang bahala sa inyo dalawa. Nagsimula ng magaalpasan ang mga luha ko sa pisngi ko, “pero Tay nakita ko naman na si SIr ang siyang pu….”
Hindi ko na natapos ang ang aking sasabihin sana dahil nilagyan na ni Tatay angb unganga ko ng mga kamay niya at siyang paglabvas ni Nanay sa pintuan ng kusina at nakita ko sa mga mata niya ang gulat sa kanyang nakikita.
“Andreas ano ito? bakit nakaposas ka?”
HIndi na nakapagsalita si Tatay dahil nagsalita na ang isa sa mga pulis.
“Pinatay ng asawa mo ang inyong among babae.”
“Hindi…Hindi po totoo yan sabay ng pagsabi ni Nanay ay ang pagbuhos ng kanyang mga luha at pagyakap niya sa Tatay.
“Andreas sabihin mong hindi totoo yan sabihin mooo hindi ka ganyang tao mabait ka Andreas.” Humhagulgol si Nanay habang tinutulan nya ang pagdala ng mga pulis sa Tatay. Ngunit wala kaming parehong magawa dahil umamin na si Tatay na totoong siya ang pumatay kang Ma’am Cloefe.
Kumaripas ng takbo si Nanay patungo sa silid ng mansion at doon namin inabutan si Sir Ambros na nakatulala.
“Sir hindi po totoo na ang asawa ko ang pumatay kay Ma’am Cloefe po alam po ninyo na hindi mamatay tao ang asawa ko.” pagmamakaawa ni Nanay sa amo namin pero sa bata kung edad at isip alam ko na inako lang ni Tatay ang nagawang kremin ng amo namin.
Habang humahagulgol si Inay nawalan ito ng malay at ng abisuhan ko si Sir Ambros ay wala siya sa katinuan para tulungan ako.
Dumating ang ambulansya pero pagdating namin sa hospital ay wala ng buhay ang Nanay ko. ANg sabi ng Doctor na nag asikaso sa kanya habang ako ay nakamasid wala ng luha na lumabas sa mga mata ko kahit na yun kalooban ko ay puno ng galit at lungkot sinang ayunan ko siya sa lahat ng kanyang mga sinasabi.
Dinala ko si Nanay sa sementeryo malapit sa mansion at sa tulong ng isang sepultero na kaibigan ni Itay ay naipalibing namin si Inay na binindisyunan din ng kakilala naming Pare na nakatira sa malapit na simbihan sa sementeryo.
“Paano ka na ngayon Mars? Babalik ka pa ba sa mansion?”
“Hindi na po, puntahan ko muna po si Tatay sa kulungan para malaman niya ang nangyari kay Nanay Mang Bitoy. Kailangan niya malaman ang nangyari sa amin, kung paano kami nawalan ng pag asa dahil sa pag amin niya sa kasalanan na alam namin hindi siya ang gumawa.”
“Meron yan rason boy, tanungin mo ang Tatay mo kung ano ang ipinangako sa kanya ng amo nya. Hindi yan basta basta tatanggapin ng Tatay mo dahil napakalaking kaso nyan segurado ako may deal silang dalawa ng Tatay mo.”pagpapaunawa ni Mang Bitoy.
Umalis na ako sa libingan ni Nanay. Wala ng mga luha ang mga mata ko pero ang galit sa dibdib ko ramdam ko pa rin. Kahit na bata pa lang ako pero alam ko na ano ang nangyari sa amin. Alam ko meron silang pagkakaunawaan ni Tatay at Sir Ambros pero grabe ang dagok sa pamilya namin. Nasa kulungan si Tatay at si Nanay naman sumakabilang buhay dahil sa shock sa mga pangyayari na hindi niya nakayanan.
Pagdating ko sa estasyon ng mga pulis ayaw pa sana ako papasukin ng gwardya pero nakikiusap ako, nagmamakaawa at lumuhod para lamang payagan ako niya makausap si Itay. Nang pumayag ito dali dali akong pumasok sa pinto at nakita ko kaagad si Tatay nakayuko sa sahig habang nakaupo.
“Tay, Tay”. tumingin siya sa akin at tsaka ako niya nakilala. “Anak andito ka bakita mo iniwan si Nanay mo sana isinama mo na lang para maipaliwanag ko sa inyo bakit ko ginawa ito.”
“Tay wala na po si Nanay inatake po siya sa puso ng dinala ka ng mga pulis dito sa estasyon.”
“Ha? Ulitin mo nga anak, hindi ko maintindihan maganda naman ang pangangatawan ng Nanay mo. Hindi siya aatakihin anak, please sabihin mo sa akin na hindi totoo yan sinasabi mo.” Ngayon humahagulgol na ang ama niya habang kayakap siya kahit meron namamagitan sa kanilang rehas
“Totoo po Tay dahil nga wala akong pera pangpaembalsama inilibing na lang namin si Nanay sa Sementeryo at tinulungan ako niya. Tay sana pagbabutihin mo Ang iyong pag stay dito para naman meron Kang pag asa makalaya Tay”.
“Makakaasa ka anak at Ikaw saan ka ngayon titira?Anak huwag mong gagawin ang mali sa amo natin, Meron kaming kasunduan na palakihin ka at papag-aralin at kung Hindi mo agad inilibing si Nanay mo siya sana ang gagawa doon dahil kasama si Maring sa aming kasunduan. Hindi ko akalain na ganun Ang mangyari sa kanya anak.Sana maintindihan mo ang ginawa ko para naman sa future mo ito.”
“Ngayon naintindihan ko na po Tay.”
“Kung ganun balikan mo si Sir Ambros para Malaman mo Ang kaniyang mga plano sayo.”
“Opo Tay pero kung wala po at malaman ko na hindi siya totoo SA pinag-usapan nyo Hindi po Ako magdalawang isip na iwanan siya at maghanap ng trabaho ko na pwede ko pagkakitaan at makapag aral din.”
“Anak mas kampante Ako kung nasa poder ka Niya. Mabuting tao SI Sir Ambros Hindi lang talaga Niya nakayanan Ang nangyari sa kanila ni Ma’am.”
“Okay po Tay, gagawin ko po Ang gusto mo.”
Paglabas Niya sa Jail kung saan nakapiit Si Tatay diretso ako sa mansion at doon nakita ko na maraming tao.Lumapit ako at ng malaman ko na nagbigti si Sir Ambros at sabi ng Isang pulis na suicide daw dahil meron liham ito na Nakita nila sa kwarto ng amo namin. Nang makita nila ako ay dinala ako sa presinto at doon tinanong saan ako galing at wala bang akong nakita na ibang tao. Eh sabi ko Wala naman dahil after si Tatay kinuha ng mga pulis si Nanay ang dinala ko sa hospital at nilibing kaagad namin. Nakita ko Ang awa sa mga mata ng investigator.
Matapos Ako nilang kausapin at pinalabas ako nila ng pumasok ang Isang abogado na nagpakilala sa kanila na Siya ang abogado ni Sir Ambros.
Akmang lalabas na Ako, hinawakan Ang braso ko ng abogado ni Sir Ambros.
“Ikaw ba sI Marcy Urvano ang anak ng driver ni Don Ambrosio?”
“Oo hu Ako po, bakit po?”
“HIntayin mo Ako doon sa mansion kikitain kita doon at meron tayong mahalagang pag usapan.” sabi ni Atty Brian Lopez.
“Okay po Attorney.”
****Abangan ang kwento SA Buhay ni Marcy****