Halos mapudpod na ang suot na tsinelas ni Stella dahil kanina pa siya pabalik-balik na naglalakad sa may pintuan. Tatlong tasang kape na ang naubos niya ngunit wala pa rin si Yvionna. Kanina pa ito umalis ng bahay at nagpaalam na pupuntahan si Arth. Ngunit, anong oras na? Pasado alas dose na ng hatinggabi ngunit wala pa rin ito. Hindi niya maiwasang mag-aalala dahil ni isang text o tawag ay wala siyang natatanggap mula rito. Ilang beses niya na rin itong sinubukang tawagan ngunit nakapatay ang cellphone nito. Tinawagan niya rin si Arth ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya dahilan upang mas lalo pa siyang mag-alala ng husto. Tinungo niya ang tukador sa likod ng devider at muling tiningnan ang cellphone. Wala pa rin siyang text na natatanggap mula sa anak. Napasapo siya sa kanyang

