Ayon kay Martha ay may posibilidad na dinala si Ria ng mga tauhan ni Augustus Aragon sa isang bodega, sa maliit na nayon sa Tabaco na di umano'y ginagawang hideout ng mga tauhan nito. Bago pa man nalagutan ng hininga ang kan'yang asawa ay nabanggit nito ang tungkol sa lugar na iyon. Nagpasya si Ray na lalakad na lamang siya nang mag-isa dahil ayaw niyang mapahamak ang ina sa oras na sumama ito sa kan'ya. Mas mainam na rin iyon para hindi makahalata ang mga kalaban. "Sigurado ka ba sa gagawin mo, Ray? Masyadong delikado kung mag-isa kang pupunta sa kuta ng mga kalaban. Baka mapahamak ka," nag-aalalang sabi ni Madel. Kanina pa siy kinakabahan at mas lalo pa iyong tumitindi sa bawat paglipas ng mga oras. Hindi maiwasang mag-aala ni Madel sa anak dahil batid niya kung gaano kadelikadong tao

