CHAPTER 40 Nanlamig ang aking buong katawan sa aking narinig. Hindi na ako nag- abalang magpaalam sa manager. Halos lumipad na lang ako palabas ng bar at mabilis na pumara ng taxi para makauwi sa bahay. Nanginginig ang aking kamay habang nakahawak ako sa cellphone ko. Hindi na sumasagot ang number na tumawag sa akin kanina. Tumawag na rin ako sa ibang kapit- bahay namin pero lahat sila ay hindi sumasagot. Nagpakita sa screen na tumatawag si Sir Isidro. Ngunit wala akong panahon para sagutin ang tawag niya. Hindi muna ngayon. Habang nasa loob ako ng taxi ay patuloy na umaagos ang luha mula sa aking mga mata. Sana walang masamang nangyari sa pamilya ko. “Pakibilisan lang po, M-Manong,” wika ko sa nauutal na boses. Mahigpit ang aking hawak sa cellphone ko. Paano nasunog ang bahay namin? A

