CHAPTER 41

1315 Words

CHAPTER 41 Wala akong nagawa kung hindi umiyak habang naghihintay na makalabas sila. Sumunod ang mga bombero sa kanila sa loob. Patuloy nilang inaapula ang sunog sa bahay namin. “Sino ‘yong pumasok sa loob? Kilala n’yo ba ‘yon?” “Hindi pamilyar sa akin ang mukha. Pero nag- usap silang dalawa ni Ilaw ngayon- ngayon lang,” “May dala pa ngang bulaklak ‘yong lalaki,” “Bakit siya pumasok? Delikado sa loob! Baka kung ano ang mangyari sa kanya sa loob!” Ilan lang ‘yan sa mga naririnig kong sinasabi nila tungkol kay Sir Isidro na pumasok sa loob ng bahay namin. Mabilis akong tumakbo nang may nakita akong taong palabas ng bahay namin. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay hinarang na naman ako ng mga tao. “Anak ko 'yon! Padaanin n'yo ako, parang awa n'yo na!” pagmamakaawa ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD