CHAPTER 9 “Para sa akin ba 'to, Sir?” Sinulyapan niya saglit si Zandro. “Hindi, para kay Zandro talaga 'yan ipapasukat ko lang sa 'yo,” sarkastikong wika niya. At nadamay pa nga si Zandro. “Seryoso na kasi, Sir! Nagtatanong ng maayos ang tao ganyan ang isasagot n'yo sa akin?” Kinuha ko ang isang box at tiningnan din iyon. Ang isa ay itim ang isa naman ay kulay puti. Pare- parehas lang ng mga design. Nike ang brand nung sapatos. Kahit hindi ko itanong sa kanya hindi basta- bastang nabibili 'to d'yan sa kanto. Original ang sapatos at alam kong mahal. “Sa akin ba talaga 'to, Sir?” paulit- ulit na tanong ko. “Ayaw mo ba? Ibibigay ko na lang kay Zandro,” Si Zandro ay napapakamot na lang sa ulo niya sa tuwing nadadamay ang kanyang pangalan. “Mahal 'to, Sir. Hindi ko kailangang bay

