CHAPTER 7

1141 Words
CHAPTER 7 Nawala lahat ng ingay sa paligid nang makita kong naglakad papunta sa aking direksiyon si Sir Isidro. Napunta ang tingin nito sa aking half shoes na nakalapag sa gilid ko. “Good evening po,” Nagpunas ako ng luha sa aking pisngi. Sa nilayo- layo ng nilakad ko ay kumusta na kaya ang sitwasyon ng mukha ko ngayon? Magulo na rin ang aking buhok. Pawis at luha ko ay nagkalat na sa aking pisngi. Tapos haharap pa ako kay Sir Isidro. In the first place bakit siya nandito? “What are you doing here in the middle of the night, Ilaw? It's dangerous,” nag- aalalang sabi nito. Kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoong dahilan kung bakit ako naglalakad ng mag- isa sa gitna ng gabi? Na ninakawan ako ng pera ng empleyado niya. “You shouldn't be walking here alone. And what happened to your feet? Ang daming paltos,” sabi niya sa kalma at mas malambot na boses. "Nagkaproblema lang ng kaunti sa pera para sa pamasahe, Sir. Kaya naglakad na lang ako pauwi ng bahay namin," Nakita kong dumaan ang gulat sa mga mata niya. May nabasa rin akong kaunting awa. "Naglakad ka lang? Ang layo na ng nilakad mo. Sumakay ka. Ihahatid na kita sa bahay n'yo," Napatayo na ako. Dahil sa aking biglaang pagtayo ay nawalan ako ng balanse. Nanginginig pa rin ang aking tuhod. Hinanda ko na ang sarili ko na tatama ako sa sahig dahil matutumba na ako. Ngunit mabilis ang naging kilos ni Sir Isidro at nakarating siya sa aking harapan. Bago pa ako bumagsak sa sahig ay pumulupot na ang kamay niya sa aking bewang upang saluhin ako. Tila tumigil ang aking mundo nang magkatinginan kaming dalawa. Napako ang aming mga mata sa isa't- isa. Pakiramdam ko nawala ang mga tunog ng busina ng sasakyan at tanging kaming dalawa lang ang natira sa mundong ibabaw. Ang nagsisilbing liwanag namin ay ang ilaw ng kanyang sasakyan ngunit hindi naging balakid iyon upang hindi ko mapagmasdan ang kabuuan ng mukha niya. Ang tangos ng kanyang ilong, makapal ang kilay, mapupula ang mga labi, mataas ang pilik- mata, at nangungusap ang mga mata nito. Wala akong ibang naramdaman kundi panghihina dahil sa mga titig niya. ""Wag mo akong titigan ng ganyan baka matunaw ako, Ilaw," ani Sir Isidro. Tinulak ko agad ito. Humigpit lamang ang kapit niya sa aking bewang. Sa isang iglap, nasa likod na ng aking tuhod ang kamay niya at hindi na dumampi sa sahig ang aking paa. Umangat na ako sa ere at binuhat niya ako na parang isa kaming bagong kasal. Ngayon ko lang napansin na kasama niya pala si Zandro. Siya ang nagbukas ng pintuan sa backseat. "'Yong sapatos ko," wika ko nang makapasok sa loob. Nilingon ni Sir Isidro si Zandro. "Get her things," utos niya. Tahimik na tumango si Zandro at tumalikod. Pumasok din siya sa loob at umupo sa tabi ko. Kaginhawaan ang aking naramdaman nang dumampi ang aking pw3t sa malambot na upuan. Tuluyan ng nakapagpahinga ang aking binti. Paniguradong hanggang bukas ko dadalhin ang sakit sa paa ko. "Ano'ng ginagawa mo dun, Ilaw? Gabing- gabi na," wika ni Zandro nang umandar na ang sasakyan. "Trip niya lang mag walking, Zandro. Tumahimik kana at 'wag na magtanong," sagot ni Sir Isidro. "Nagtatanong lang naman ako kay Ilaw, Sir." ani Zandro. "Dumaan muna tayo sa pinakalamapit na pharmacy, Zandro. Bibili lang tayo ng gamot para sa paltos niya sa paa," ani Sir Isidro sabay sulyap sa akin. "Sa pinakamalapit, Sir? Ayaw mo sa malayo?" Sinamaan niya lang ng tingin si Zandro na siya naman ikinahalakhak nito. "Hindi naman po kailangan ng gamot para rito, Sir. Sapat na po sa akin na makauwi ako sa bahay namin," sabi ko. "Ang daming paltos ng paa mo. Gagamutin natin 'yan bago ka umuwi," sabi niya at parang wala na akong karapatang magreklamo. Dumaan muna kami sa isang pharmacy at bumili ng gamot. "Salamat po pagbili ng gamot, Sir. Sa bahay ko na lang po gagamutin," Naiwan kaming dalawa sa loob ng sasakyan dahil lumabas si Zandro upang bumili ng gamot. "Ako ang gagamot at dito natin gagamutin," Kung magtatagal pa ako, mag- aalala na sa akin si Lolo. Alam niya kung anong oras matatapos ang trabaho ko. At ang anak ko, hahanapin na ako nun. "Ako na po, Sir. Sa bahay na po. Sobra- sobra na po ang tulong n'yo sa akin at ayos na po ang paghatid sa bahay namin. Baka mapagalitan po ako sa bahay kapag ginabi ako," mahabang paliwanag ko. "Okay, fine. Parang ikakamatay mo kung ilang minuto kang maiiwan sa tabi ko," Bukod sa hinahanap na ako sa bahay ay nahihiya rin akong magpagot sa kanya. Tapos pa ko pa ang gagamutin niya. Pahahawakan ko lang ang madumi kong paa sa isang CEO? Tapos boss ko pa. Manhid lang ang hindi mahihiya sa ganoong sitwasyon. Dumating si Zandro na may bitbit na isang supot. Binigay niya iyon sa amin sa likod. "Hindi n'yo man lang muna gagamutin ang sugat niya bago tayo umalis. Sir?" tanong niya habang kinakabit ang seatbelt sa kanyang katawan. "She doesn't want to. Ihatid na lang natin sa bahay nila," Ang sinabi kong bahay ko ay malayo pa sa bahay namin. Natatakot akong sabihin sa kanya ang totoo kong address. Gabi naman na at hindi naman lumalabas ang anak ko. Pero naninigurado lang din ako. "Dito ba ang bahay n'yo?" tanong ni Zandro at sumilip sa labas. Tatlong bahay pa ang layo nito bago ang aming bahay. Ang nagmamay- ari sa bahay na 'to ay si Saddie. "Opo, maraming salamat po sa paghatid sa akin." Lumingon ako kay Sir Isidro. "Thank you, Sir," Hindi ko na sinuot ang aking half shoes at baka masira pa ito ng husto. Malapit lang naman ang bahay. Maghuhugas na lang ako ng paa pagdating. Ipapaayos ko na lang 'to kasi mukhang hindi na kaya ng shoes glue sa laki ng sira. Matagal- tagal na rin kasi 'to sa akin. "Magpapaa ka lang?" tanong niya. Tumango ako at kinuha na rin ang isang supot para makalabas na. "May extra akong tsinelas sa likod. Gamitin mo muna. Pakikuha nga sa likod, Zandro." utos niya. "Hindi naman po kailangan. Pero salamat po. Ibabalik ko na lang po sa susunod na araw dahil wala po akong duty bukas," wika ko. "Wala kang trabaho bukas? Why is that? Hindi whole week ang duty mo?" tanong niya habang nakakunot pa ang mga noo. “Hindi po, Sir. Tatlong araw lang po ako,” Kumatok sa bintana si sir Zandro kaya lumabas na ako. Nakahanda na ang tsinelas na para sa akin. Sa laki nun ay mukhang kalahati lang ng aking paa ang kasya. Para akong tatalon ang puso ko palabas nang makita kong lumabas ang isang kapit- bahay namin at buhat- buhat niya pa ang anak ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD