CHAPTER 80 Nagkatinginan kaming dalawa ni Isidro. Malaki agad ang naging pagtutol ko. Ayos lang sana sa akin kung tungkol sa anak niya, kaso ipapakilala naman pala si Isidro sa ama niya. At dapat hindi talaga ako kasama? Nakakapagtaka naman ang babaeng ito. Sa tinginan pa lang naming dalawa ni Isidro ay alam kong nakuha na niya ang gusto kong ipahiwatig kahit hindi pa man ako nagsasalita. “I want Ilaw to be there too,” wika ni Isidro sa kanya. Una pa lang ibang- iba na ang kutob ko sa babaeng ‘to. Babae ako, halata naman na may gusto siya kay Isidro kahit wala siyang sinasabi. Nababasa ko iyon sa bawat kilos niya at kung paano niya tingnan si Isidro. Ganyan na ganyan din kasi ang mga kilos ko kay Isidro. Malaki ang tiwala ko sa pagmamahal ni Isidro, pero wala akong tiwala sa babaeng

