CHAPTER 79 “Are you really sure about it, Ilaw? Hindi mo kailangang gawin ‘to. Sapat na sa akin ang malaman na tinatanggap mo siya,” Ngumiti ako sa kanya bago ko kinuha ang kamay nito at dinala sa aking kandungan. “Walang kasalanan ang bata. Nagalit lang naman ako dahil nilihim mo sa akin ang tungkol dito. Sana sinabi mo sa akin. Pumunta kasi kami ni Sam- Sam sa mall pagkatapos naming mamasyal doon sa park. Tapos nakita ko kayong tatlo na magkasama. Syempre nasaktan ako nang makita ko kayo. Sabi mo kasi busy ka sa trabaho tapos makikita kong namamasyal kayo sa mall,” mahabang wika ko. Humigpit ang kapit nito sa aking kamay. Hindi na nito napigilan ang sarili niya at muli niya akong niyakap. “Thank you, Ilaw! Sobrang swerte ko talaga na ikaw ang babaeng pinili kong mahalin! I know I d

