CHAPTER 71 Dahan- dahan kong minulat ang mga mata ko. Madilim, wala akong ibang nakikita. Mayroon silang pinaamoy sa akin kanina at nakatulog na lang ako bigla. “Gising na siya,” rinig kong wika ng mga tao sa aking paligid. Sinubukan kong gumalaw ngunit hindi ko maigalaw ang aking mga kamay at paa. Nakatali ba ako? “S- sino kayo? Nasaan ang anak ko?” sigaw ko sa kanila gamit ang nanginginig na boses ko. Ngunit wala akong narinig na sagot sa aking tanong kaya muli akong nagsalita. “Ano’ng kailangan n’yo sa akin? Please, ‘wag n’yong idamay ang anak ko rito…” pagmamakaawa ko sa kanila. Ngunit ganoon pa rin, wala pa rin akong naririnig. Kanina lang may nag- uusap sa paligid ko, ah? Pero wala na akong naririnig ngayon. Naging tahimik na ang buong paligid. “Sam? Sam-Sam, anak?” si

