Chapter 8

2648 Words
HERA "Thank you ma'am and come again." I said. Kanina pa nangangawit ang paa ko dahil apat na oras na akong nakatayo dito sa counter. Kahit hindi ako sanay magtrabaho ay kinakaya ko pa rin. "Pst, Hera, pwedeng ikaw muna ang magbigay nitong order nila." pakiusap ni Ate Mabel sa akin. Tinuro niya ang tatlong babaeng nakapwesto malapit sa painting. "Sige po, ate." Busy kasi si Ate Mabel na nag-aayos ng mga plastic cup at si Ana naman ay nasa staff room. Inilagay ko sa tray ang mga order nila at pumunta na ako sa kanilang table. Kanina pa ako tinititigan ni Constantine, hindi ba siya nangangawit? Dahil apat na oras na niya akong pinagmamasdan. Akala ko ba ay pangit ako sa kan'yang paningin? Eh, bakit hindi niya maalis-alis ang nakatutok niyang mata sa akin. Tsk! Nagulat ako ng bigla akong patirin ng isang babae kaya naibuhos sa kaibigan niya ang milk tea na order nila. Nataranta ako, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. "Sorry po ma'am, hindi ko po sinasadya." mabilis kong sabi at pinunasan ko ang nabasa niyang damit. "You b***h! Tignan mo ang nangyari sa dress ko." maarteng sabi niya at matalim niya akong tinignan. Lord, sana ay hindi ako matanggal sa trabaho ko. Kung hindi sana ako pinatid ng kaibigan niya ay hindi ko siya matatapunan ng milk tea. "Ano ba 'yan, ayusin mo naman ang trabaho mo." nakangising sabi ng babaeng pumatid sa akin. Kung pwede ko lang siyang tarayan ngayon ay kanina ko pa ginawa. "Sorry po, papalitan ko na lang po ang order n'yo." magalang kong sabi sa kanila. Labag man sa loob ko na galangin sila ay ginawa ko pa rin dahil baka isumbong pa nila ako kay Ma'am Christine at sabihing bastos ang trato ko sa mga customers. "Nako, lagot siya kay Amanda." rinig kong sabi ng isang babae sa gilid ko. Humalakhak ang babaeng natapunan ko ng milk tea at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang balikat ko. "Papalitan? May pera ka ba? Mukhang sweldo mo pa nga lang sa isang araw ay kulang na sa bayad ng in-order namin." kutya niya sa akin. Napakuyom ang kamao ko dahil wala siyang karapatan na maliitin ako. Kaya nga kitang bilhan ng Mercede Benz na sasakyan, eh! Ang bilis ng pangyayari, sinabuyan niya ang mukha ko ng milk tea at sinampal niya ako ng dalawang beses. Lahat ng customer dito ay naaawang napatingin sa akin. I gritted my teeth. The audacity of this b***h! "Ano, galit ka sa akin? Sasampalin mo rin ba ako?" nakangising tanong niya. Sino ba ang babaeng ito? Tang ina, ang sarap niyang balatan ng buhay. Akala mo kung sino! "My gosh Amanda, look at her eyes. Like parang gusto ka niyang sugurin." sumbong ng conyo niyang kaibigan. Amanda pala ang pangalan niya. Sayang, maganda sana siya kaso ang pangit naman ng ugali niya. "Aray," daing ko. "Bitawan mo ang buhok ko," walang emosyon kong utos sa kan'ya. Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko at mas lalo niyang diniinan ang pagkakasabunot niya sa akin. s**t, ang sakit na ng anit ko. "Hindi ko bibitawan ang buhok mo hangga't hindi ka lumuluhod sa harapan ko." Fuck, ano siya hari? Reyna? Diyos? Para luhuran ko, hinding-hindi ko gagawin ang ipinapagawa niya sa akin. "In your dreams. Hindi ka Diyos para sambahin ko," mariin kong sabi. "Woah, palaban pala si ate girl. Wala ka pala Amanda, eh. Hindi ka sinusunod," nakangising sabi ng isang lalaki sa kabilang table. "Ahh, gano'n," naiiritang sabi niya at kinuha niya ang sandwich sa sahig habang hawak niya pa rin ang buhok ko. Ipinahid niya buhok ko ang sandwich na may palaman at sinabuyan niya ulit ako ng milk tea. Kapag ako nakawala sa pagkakasabunot niya sa akin, sasapakin ko talaga siya. Wala na akong pakialam kung matanggal ako sa trabaho. Hindi na ako natutuwa sa ginagawa niya, lumagpas na siya sa linya. "What's happening here?" nakakunot na tanong ni Ma'am Christine. "Oh my gosh, bitawan mo siya, Amanda." Binitawan naman agad ako ni Amanda at mabilis na lumapit sa akin si Ma'am Christine. Pinunasan niya ang mukha ko at inayos niya rin ang magulo kong buhok. Para akong basang sisiw ngayon. "Sinadya niya kasi akong tinapunan ng milk tea, Ate Christine." naiiyak na sabi niya. Tang ina, hindi ko alam na best actress pala ang babaeng ito. Ang galing niyang umarte. "Totoo ba ang sinabi niya, Hera?" kompirmang tanong sa akin ni Ma'am Christine. Umiling ako. "Hindi ko po sinadyang matapunan siya ma'am, pinatid po kasi ako ng kaibigan niya kaya naitapon ko ang milk tea sa kan'ya." "You b***h! Ang galing mong gumawa ng kwento." galit na sabi ng babaeng pumatid sa akin. Tsk, hindi ako sinungaling na tao at mas lalong hindi ako writer na magaling gumawa ng kwento. Totoo nga talaga ang sabi nilang nagkakaintindihan talaga ang mga taong pareho ang ugali. Kagaya nila, ang pangit ng ugali nilang tatlo, legit! "Ate, nakita ko po siyang sinadya niya talagang tapunan si Amanda ng milk tea." pabebeng sabi ng isa nilang kaibigan. Napatingin ako kay Amanda na umiiyak sa tabi ng dalawa niyang kaibigan. Bakit ba siya umiiyak? Sa pagkakaalam ko ay ako ang sinaktan niya. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa dahil sa mga pinagsasabi nila. Gosh, na-stress ang bangs ko sa kanila. "I didn't know that all of you are liars. It seems that you are lack of good manners and right conduct." I said seriously. Napatawa si Constantine sa gilid ng marinig niya ang sinabi ko. Gago talaga, ang seryoso na nga ng sitwasyon tapos nagawa niya pang tumawa. "How dare you to insult us? Sino ka ba? Isa ka lang hamak na waitress dito kaya ilugar mo ang sarili mo." nang-iinsultong sabi ni Amanda sa akin. "Hindi po kita iniinsulto, sinasabi ko lang ang totoo. Nakalimutan n'yo atang may CCTV sa cafe na ito. Tignan natin kung sino sa ating apat ang nagsisinungaling," palaban kong sabi sa kanila. Natigilan sila sa sinabi ko at hilaw na ngumiti si Amanda kay Ma'am Christine. "Hmh, para maging patas ay tingnan nating lahat sa CCTV footage kung ano nga ba ang totoong nangyari." maowtoridad na sabi ni Ma'am Christine sa amin. Hindi sila makatingin ng diretso kay Ma'am Christine, matapos naming panoorin ang CCTV footage kanina. 'Yan ang napapala ng mga sinungaling... "Bakit mo pinatid si Hera, Elisse?" seryosong tanong ni Ma'am Christine sa kan'ya. "Naiinis kasi ako sa pagmumukha niya ate," nakasimangot niyang sabi. Ano ba ang problema niya sa pagmumukha ko? Ang sabihin mo ay na-iinsecure ka lang sa ganda ko. Hindi sa pagmamayabang ah, pero totoong maganda talaga ako. "Pero hindi sapat na dahilan iyon para patirin mo si Hera, Elisse. Hindi ka na bata para gawin ang mga ganoong bagay. Next time, huwag naman kayong gumawa ng eskandalo dito sa cafe ko." "Sorry po, ate," mahinang sabi nilang tatlo. "Kay Hera kayo mag-sorry, hindi sa akin." Tsk, napaka-plastic naman nilang tatlo. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako naka-encounter ng mga taong matapobre. Ang baba ng tingin nila sa mga waitress na kagaya namin. Marangal naman ang trabaho namin at wala kaming tinatapakang ibang tao. Akala mo naman kaya na nilang buhayin ang mga sarili nila. Eh, umaasa lang naman sila sa mga magulang nila. Saka n'yo na ako yabangan kapag sarili n'yo ng pera ang ibinibili n'yo sa mga make-ups n'yo. "Sorry, Hera," pekeng sabi ni Amanda sa akin. "Sorry, hindi ko sinasadyang patirin ka." sabi rin ni Elisse sa akin. Hindi nakatakas sa aking paningin ang palihim niyang pag-irap sa akin. Tsk, ang kapal ng mukha niya. Nanggigigil ako sa mga ganitong uri ng mga tao. Ang sarap ihagis sa gitna ng dagat, eh. "Sorry," nakasimangot na sabi ng chinitang babae sa akin. "Okay," walang ganang sabi ko. Walang sincerity ang paghingi nila ng sorry sa akin, tsk. Argh, ang hapdi ng kanan kong pisngi. Parang sinampal ako ng limang beses nito, ang bigat kasi ng kamay ni Amanda. "Are you okay, Hera? Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa nila sa 'yo," nag-aalala na sabi ni ma'am Christine sa akin. Tumango ako at ngumiti. "Okay lang po ako, ma'am. Sorry po kung nagkagulo kanina, hindi ko po sinasadya na patulan silang tatlo." Kahit anong pagtitimpi ang gagawin mo kung ganoong klaseng tao ang makakasalamuha mo ay hindi mo talaga maiwasang sagot-sagutin sila. Ang pangit kasi ng ugali nila... "Nako, buti nga at hindi ka nagpaapi sa kanila. Masyado kasi silang spoiled kaya ganiyan ang mga ugali nila." Spoiled naman ako kay daddy at mommy noon ah, pero hindi naman naging pangit ang ugali ko. Nasa magulang talaga iyan kung paano nila palakihin ng tama ang kanilang mga anak. Ang iba kasi ay kinukunsinti pa nila kahit na alam nilang mali ang kanilang anak. "Okay ka lang ba, Hera? Pasensya na ah, ikaw tuloy ang napag-initan nila." tanong sa akin ni Ate Mabel. "Ano ka ba ate, wala ka namang kasalanan. Okay lang naman ako," hindi naman ako mamatay sa sampal at sabunot ni Amanda sa akin. Nagpapahinga kami ngayon dito sa staff room. May sugat ang pisngi ko kaya nilagayan ni Ate Mabel ng ointment at bandaid. Sobrang pagod na ako, physically, mentally at emotionally. "Anak kasi ni Governor Rodrigo si Amanda kaya wala siyang kinakatakutan. Ang dalawa niya namang alipores ay anak ng mga mayayamang negosyante dito sa Ilocos Sur," kwento sa akin ni Ate Mabel. Kung anak ng governor si Amanda ay dapat maging role model siya ng mga kabataan dito. Hindi iyong siya pa ang nangunguna ng away. Bago sana siya gumawa ng kabulastugan ay isipin niya sana ang magiging kahihinatnan ng gulong sinimulan niya at ang image niya. Dahil maaapektuhan ang Papa niya sa kan'yang mga pinaggagawa. "Hmh, palagi ba silang kumakain dito?" Kung palagi sila dito ay baka araw-araw na masisira ang mood ko. "Hindi naman, pero thrice a week silang nandito. Ex-girlfriend kasi ni sir Constantine si Amanda, at hindi pa nakaka-move on ang hipokritang iyon." What the hell! Ganoon ba ang taste niya sa babae? 'Yong pangit ang ugali at spoiled brat? Maganda naman si Amanda, sexy, may malaking hinaharap at maputi. Pero kung attitude ang usapan, umuwi na lang siya sa bahay nila. "Ay, iniwan ba siya ni Constantine? Pinagpalit ba siya kasi pangit ang ugali niya?" Hindi na ako magtataka kung pinagpalit niya si Amanda sa ibang babae. Sino ba naman ang magtatagal sa ganoong ugali, diba? Walang galang at matapobre. "Nako hindi, ang totoo nga niyan ay mahal na mahal siya ni sir Constantine, pero niloko niya lang si sir at nakipag-s*x siya sa ibang lalaki." mahinang bulong sa akin ni Ate Mabel. Totoo? Ang kati naman ni Amanda, kung gano'n. Kung gusto niyang magpakamot, bakit sa ibang lalaki pa niya pinakamot? Meron naman si Constantine, eh. Tsk, malandi! Baka naman hindi siya satisfied sa t*t* ng boyfriend niya? Baka maliit lang siguro ang batuta ni Constantine at hindi siya napapaligaya nito sa kama. May mga gano'n naman eh, gwapo na maliit ang alaga nila. At may mga babaeng naghahanap ng malaking t*t* dahil masarap daw ito. Iyon ang naririnig kong sabi ng mga katulong namin noon sa mansion. "Ahh, kaya siya hiniwalayan ni Constantine?" curious na tanong ko. "Oo, kasi nadatnan niya si Amanda at ang pinsan niyang hayok na hayok na nagkakantutan sa loob ng kwarto ni Amanda." What the hell! Seriously? Pinsan ni Constantine ang naging kabit ni Amanda. Eh 'di siya na ang makati. Kung sa akin iyon ginawa ay masasaktan talaga ako ng lubusan. Imagine, ang taong mahal mo ay pinagtaksilan ka at ang mas masaklap pa ay pinsan mo ang kabit niya. Ang gago naman ng pinsan ni Constantine at pinatulan niya pa si Amanda. Ano iyan, hayok sa dalawang t*t*? Hindi siguro siya nakontento kay Constantine kaya nagpakantot pa siya sa pinsan ng boyfriend niya. Wow, ibang klaseng babae pala si Amanda. "Ana, bakit ka ba nagmamadali? May lakad ka ba ngayon?" Pauwi na kaming dalawa ni Ana at nagkataon na magkapitbahay lang pala kami. "Wala akong lakad, Hera. May trabaho kasi ako mamaya, waitress ako sa isang bar." nahihiyang sabi niya sa akin. "Talaga? Pwede ba ako diyan? Mag-a-apply sana ako bilang waitress." Kailangan ko talagang kumayod dahil private university ang papasukan kong paaralan ngayong taon. "Sigurado ka? Baka kasi ayaw mo, maiksi ang suot naming palda doon at sexy na damit." Nako, nagsusuot naman ako ng mga seksing damit eh. "Oo, basta waitress lang ang trabaho ko at wala ng iba." "Sige ba, sama ka sa akin mamaya kung hindi ka busy. Ipapakilala kita sa manager namin," nakangiting sabi niya. Si Ana ay breadwinner sa kanilang pamilya. May tatlo siyang kapatid at ang Mama nila ay may sakit kaya siya na lang ang inaasahan nila. Kung hindi siya magtatrabaho ay magugutom naman silang lahat. Sobrang sipag niya dahil kahit busy siya sa paghahanap-buhay ay hindi siya tumigil sa pag-aaral. "Magsuot ka ng fit na dress mamaya, Hera. Maglagay ka rin ng konting make-up," bilin niya sa akin. Alas sais na ng gabi ng makarating ako sa apartment ko. Wala akong sinayang na oras at kumain na ako ng hapunan. Baka kasi ma-late si Ana at mapagalitan pa siya ng kanilang boss. Ayoko namang matanggal siya ng trabaho dahil sa akin. Matapos kong maligo ay pumunta na ako sa harap ng cabinet at inilabas ko lahat ng mga magagandang fitted dress ko. Kinuha ko ang isang maroon sleeves dress na may slit at itinapat iyon sa katawan ko. Hmh, ito na lang ang susuotin ko total ay maganda naman siya at simple. "Hala, ikaw ba 'yan, Hera? Ang ganda mo," namamanghang pinagmamasdan ako ni Ana mula ulo hanggang paa. "Mukhang maraming customers ang pupunta sa atin gabi-gabi kung sakaling matanggap ka bilang waitress." "Nako, bolera. Tara na, baka ma-late ka pa." Nasa labas palang kami ni Ana ay narinig ko na ang nakakabinging tugtog sa loob ng bar. Nalanghap ko kaagad ang usok at amoy ng alak ng makarating kami sa entrance. Maganda ang bar na ito at mukhang mayayaman ang mga pumupunta dito. Mga mamahaling sasakyan kasi ang naka-park sa kanilang parking lot. "Okay ka lang? First time mo bang makapasok ng bar?" "Oo eh, hindi kasi ako mahilig gumala noon." Nahihilo ako sa party lights na paikot-ikot sa gitna ng dancefloor. Pumasok kami sa staff room at napatingin sa amin ang mga kasamahan ni Ana sa trabaho. "Sino siya? Bagong waitress?" tanong ng magandang babae kay Ana. "Mag-a-apply pa," tugon ni Ana at pinaupo ako sa bakanteng upuan. Nilibot ko ang aking paningin dito sa staff room. Mula sa labas hanggang sa loob ng bar na ito at nagsusumigaw ng karangyaan ang istilo at disenyo nito. "Wow, ang ganda mo naman." sabi sa akin ng mestisang babae na halos makita na ang kaluluwa niya dahil sa suot niyang revealing na dress. Masasanay rin ang mata kong makakita ng mga ganyang outfit. Napansin kong lahat ng mga trabahante sa bar na ito ay magaganda at gwapo. "Girls, mag-ready na kayo dahil mamaya dadagsa na ang mga tao. Oh, anong pangalan mo magandang binibini?" "Ah, Hera po, ma'am." "Mag-aapply siya bilang waitress, madam," mabilis na sabi ni Ana sa kan'ya. Mukhang siya ang manager ng bar na ito. Hindi naman siya masungit at mukhang friendly siya na bakla. "Tayo ka nga, Hera." Tumayo naman ako at lahat sila ay napatingin sa akin. Bigla akong nahiya dahil hindi ako sanay na pinagtitinginan ako ng maraming tao. "Umikot ka nga," utos niya sa akin. "Perfect, ganda mo. Mukhang pagkakaguluhan ka ng mga kalalakihan mamaya." nakangiting sabi niya. "Mamaya? Tanggap na po ba ako?" gulat na tanong ko. "Yes dzai, tanggap ka na bilang waitress. Pwede ka ng magsimula ngayon, break a leg mamaya." ngising sabi niya at kumindat pa siya sa akin. Yes! May bago na naman akong trabaho. Thank you, Lord...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD