Chapter 7

1143 Words
SOMEONE "Huwag kayong titigil sa paghahanap hanggat hindi n'yo nakikita ang batang iyon." mariin kong sabi. Sa wakas, mapapasakin na ang Beauty Care Productions. Kailangan kong ipapatay si Hera dahil magiging sagabal lang siya sa plano ko. "Areglado boss," sabi ng isa kong tauhan at umalis na sila sa aking harapan. Nandito ako ngayon sa terrace, umiinom ng paborito kong wine. Hindi ako nagsisi sa ginawa ko dahil matagal ko ng inaasam na maging CEO. Kung naging malambot ang puso ko ay tiyak kong hindi ko matutupad ang pangarap ko sa aking sarili. Hindi ako mapupunta sa tuktok kung patuloy akong maging isang sunod-sunuran. Saan kaya nagtatago ang batang iyon? Kahapon pa ako nag-iisip kung ano ang gagawin ko para mapalabas si Hera sa lungga niya. Napangiti ako ng makaisip ako ng magandang plano. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang naikulong si Nanay Belen dahil siya ang pumatay kay Don Alberto? "Masaya ako para sa 'yo boss, congratulations dahil ikaw na ang bagong CEO ng Beauty Care Productions." sabi ni Antonio sa akin. Antonio is the one whom I trust the most. Lahat ng kasamaan kong ginawa ay alam niya. Malaki ang naitulong niya sa akin dahil lahat ng ipinapagawa ko ay sinusunod niya ng walang pag-aalinlangan. "Salamat, Antonio." nakangiting sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. Kung wala si Antonio sa tabi ko ay baka hanggang ngayon ay para akong tuta na sunod-sunuran kay Don Alberto. Pagod na pagod na akong sundin lahat ng mga ipinapagawa niya sa akin. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko ng tumunog ito. Sinagot ko kaagad ang tawag dahil baka nahanap na ng mga tauhan ko si Hera. "Hello," walang emosyon kong sabi. "Boss, nakita namin ang duguan na damit ni Hera dito sa gilid ng pulangi river." Pagkarinig ko sa kaniyang sinabi ay napangiti ako bigla. Mukhang nandito lang sa Bukidnon ang batang iyon. Kung malalim na saksak ang natamo niya sa isa kong tauhan ay baka ngayon ay patay na siya. "Hanapin n'yo diyan ang bangkay niya." Pinatay ko na ang tawag ng matapos kong sabihin iyon. Tatlong araw na ang lumipas at wala pa rin kaming nababalitaan tungkol sa kan'ya. May mga tauhan akong naghahanap kay Hera sa bus terminal, airport at sa pier. Baka kasi balak ng batang iyon na umalis dito sa Bukidnon. Bukas ay ililibing na si Don Alberto, marami ang nalungkot at nagulat sa biglaan niyang pagkamatay. Ganiyan talaga ang buhay, may namamatay ng hindi mo inaasahan. Tulad niya. "Hmh, mukhang masaya ka ata." nakangising sabi niya. Ano ba ang ginagawa niya dito sa pamamahay ko? Argh! Kung hindi ko lang talaga siya kailangan ay matagal ko na siyang niligpit. "Ikaw, hindi ka ba masaya? Nagsisi ka ba sa ginawa mo?" tanong ko sa kan'ya. "Sobra, nagsisi ako sa ginawa ko. Sana ay hindi na lang ako nagpadala sa aking emosyon." mahinang sabi niya at umiyak siya sa aking harapan. Nilapitan ko siya at hinawakan ang kan'yang leeg. "Tandaan mo, sa oras na traydorin mo ako ay ikaw ang isusunod kong papatayin." nakakakilabot na sabi ko sa kan'ya. Napangisi ako ng makita kong natakot siya sa sinabi ko. Ganiyan nga, matakot ka sa akin. Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang mga taong mahihina ang loob. Ayoko sa mga taong nagpapaapi... Dahil minsan na akong naging ganiyan, masasaktan ka lang kung hindi ka lalaban. Sa mundong ito, kung mahina ka ay talo ka. Kung wala kang lakas loob na labanan sila ay habangbuhay ka nilang tatapak-tapakan at aapihin. Sa huli, ikaw ang magiging kawawa at tatawanan ka pa nila. I hate this life, it's so unfair. "Natatakot ako, baka malaman nila ang ginawa natin." kinakabahan niyang sabi habang nanginginig ang kan'yang kamay. Mariin ko siyang tinitigan. "Hindi nila malalaman kung ititikom mo ang bibig mo." makahulugan kong sabi sa kan'ya. "Napakasama mo, paano ka nakakatulog sa gabi? Hindi ka ba binabangungot?" Oo na, masama na akong tao. Nakakatulog? Tang ina, gabi-gabi kong pinagbabayaran lahat ng mga kasamaang ginawa ko dahil palagi akong binabangungot. "Bakit ikaw? Hindi ka ba nakonsensya sa ginawa mo kay Cresensia?" diretsong tanong ko sa kan'ya. Natigilan siya sa tanong ko at nanlilisik ang kan'yang mga mata ng tumingin siya sa akin. "Nang dahil sa'yo namatay si Cresencia!" galit na sabi ko sa kan'ya. Hinding-hindi ko siya mapapatawad. "Wala kang alam sa tunay na nangyari." malamig na sambit niya. "Ibabalik ko sa 'yo ang tanong mo. Paano ka nakakatulog ng matiwasay sa gabi?" ngising sabi ko. "Wala akong ginagawang masama kaya payapa akong nakakatulog sa gabi." Napakuyom ang aking kamao ng marinig ko ang kan'yang sinabi. Nang dahil sa galit na aking nararamdaman ay nilapitan ko siya at sinakal. "A-n-o ba, bitawan mo ako." nahihirapang sabi niya. Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa kan'yang leeg kaya mas diniinan ko pa lalo ang pagkakasakal ko sa kan'ya. "Sa susunod ay matuto kang aminin lahat ng mga kahuyapan mong ginawa, hindi iyong nagmamalinis ka pa." mariin kong sabi at pinakawalan siya. Napahawak siya sa kan'yang leeg habang hinahabol niya ng kan'yang hininga. Tssk! "Bakit ka pala pumunta dito sa bahay ko?" tanong ko sa kaniya. Ano kaya ang sasabihin niya sa akin? O baka may kailangan siya? "Nahanap na ba ng mga tauhan mo si Hera?" Isa pa ang batang iyon, ang sakit niya sa ulo. Bakit pa kasi umalis siya, masyado niya kaming pinapahirapan. "Hindi pa, pero nakita nila ang duguang damit ni Hera sa gilid ng pulangi." "Akala ko ba ay si Don Alberto lang ang gagalawin mo? Huwag mo ng idamay ang bata," nakikiusap na sabi niya sa'kin. Ang plano ko lang naman ay si Don Alberto ang papatayin, bakit ko nga ba pinag-aaksayahan ng oras ang batang iyon? "Hmh, pag-iisipan ko muna." Kung buhay pa si Hera ay huwag na sana siyang bumalik dito sa Bukidnon. Sana ay tuluyan ng maglaho ang batang iyon at huwag na siyang magpakita sa amin. Mas mabuti pang magpakalayo-layo na lang siya at kalimutan niya ang nangyari sa ama niya. Saan kaya nilagay ni Don Alberto ang last will and testament niya? Naibigay niya ba kay Hera iyon? Kung hindi niya naibigay sa anak niya, kanino? Palaisipan sa akin kung nasaan iyon. "Nakita mo ba ang last will and testament niya?" Sana ay hindi niya naibigay iyon kay Hera, dahil magiging problema ko iyon kung sakaling hawak na niya ang last will ni Don Alberto. Kung magiging hadlang siya sa mga plano ko ay hindi ako magdadalawang isip na ipapatay siya sa mga tauhan ko. "Hindi ko nakita at mukhang hindi niya rin binigay kay Hera ang last will niya." Matalino ka talaga Alberto, sinigurado mo talagang hindi namin mahahanap ang last will and testament mo. Kailangan kong ipahalughug ang buong mansion nila sa mga tauhan ko. Dahil baka nasa cabinet niya lang ito o may secret locker siya sa kwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD