HERA
Hindi ko alam kung ano ang problema ni Constantine sa akin dahil kanina pa niya ako tinititigan. Masyado naman pahalata ang lalaking ito!
"Ate Hera, I like you po." cute na sabi ni Kio sa akin.
Kanina ay galing siya sa apartment ko at nakipaglaro siya sa akin. Kio is so jolly and talkative. Ang cute niyang bata, ang sarap niyang ibulsa.
"Aw, I like you too, Kio." malambing kong tugon sa kan'ya.
Nakangiting bumaba si Kio sa kandungan ni Constantine at lumapit siya sa akin. Ang sweet naman ng batang ito dahil hinalikan niya ang magkabila kong pisngi.
"Halika na dito Kio," tawag ni Constantine sa bata.
"Dito na lang ako kay Ate Hera, gusto kong katabi siya eh."
"What the hell, nakakita ka lang ng maganda ayaw mo ng lumapit sa akin. You're so mean, Kio." nagtatampong wika ni Constantine.
Hindi ko alam na apo rin pala ni Lola Ising ang manyak na lalaking ito. Kung makatingin siya ay parang hinuhubaran na niya ako sa kan'yang isipan. Hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari kagabi. Ugh, kapag tumitingin ako sa mukha niya ay naiirita ako bigla.
"Kain na tayo mga apo," tawag sa amin ni Lola Ising.
Tumayo na kaming tatlo at pumunta sa kanilang kusina. Bigla akong natakam ng makita ko ang mga pagkaing nakahanda sa ibabaw ng lamesa nila. Ang dami naman nilang niluto ngayon.
Mapait akong napangiti ng maalala ko si Nanay Belen, miss ko na ang mga luto niya. Hayst...
Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin ako sa pagkamatay ni daddy. Hindi ako makatulog sa gabi at palagi na lang akong umiiyak.
"Okay ka lang, Hera?" nag-aalala na tanong ni lola sa akin.
"Huh? Okay lang naman ako lola," nakangiting sabi ko.
Hindi ako okay Lola Ising, gusto kong sabihin sa kan'ya pero pinigilan ko lang ang aking sarili.
"Eh bakit umiiyak ka, ate?" tanong sa akin ni Kio.
Huh? Umiiyak ba ako? Hindi naman ah, kinapa ko ang aking mukha at tama nga si Kio, umiiyak pala ako ng hindi ko namamalayan.
"Ganito lang kasi ang mata ko Kio, minsan ay lumuluha na lang bigla."
Umupo na ako sa upuan at kung minamalas nga naman ay si Constantine pa ang katabi ko. Nakakainis dahil magkalapit kami ngayon ni manyak.
Natigilan ako ng lagyan ni Lola Ising ng kanin at ulam ang plato ko.
"Halla, ako na po, salamat po lola." nahihiyang sabi ko sa kan'ya.
"Ano ka ba hija, huwag kang mahiya sa akin. Kain ka ng marami ah," sabi niya at nilagyan niya ng pinakbet ang plato ko.
Sobrang dami kong nakain at busog na busog talaga ako. Nagpresinta akong maghugas ng plato kanina pero ayaw naman akong pahugasin ni Ate Meredith.
"Lola Ising, salamat po sa masarap na hapunan. Ang sarap po ng mga niluto n'yo."
"Nako, binobola mo ata ako Hera. Welcome apo, kain ka ulit dito ah."
Ang bait talaga niya at sobrang caring na matanda. Kaya siguro magaan ang loob ko sa kaniya
"Hindi po kita binobola, lola. Alis na po ako, Ate Meredith, Kio, punta na po ako sa apartment ko." paalam ko sa kanila.
Napataas ang kilay ni Constantine ng hindi ko binanggit ang kan'yang pangalan. Duh, bakit naman ako magpapaalam sa kan'ya, ano ko ba siya? Hindi ko naman siya boyfriend, eh.
Kinabukasan...
Maaga akong gumising ngayon dahil maghahanap ako ng part time job. Nagsuot lang ako ng jeans at plain t-shirt. Simula nang tumungtong ako dito sa Ilocos ay binago ko na ang uri ng pananamit ko. Gusto kong mamuhay ng tahimik at parang hindi nag-eexist dito sa mundo.
Kanina pa ako naglalakad sa daan, pero wala pa rin akong nakikitang trabaho. Kahit janitress pa iyan ay papasukin ko. Dahil kung mag-iinarte ako ay baka bukas o sa susunod na araw ay wala na akong makain.
Iba na ang estado ng buhay ko ngayon, hindi na tulad ng dati na kahit matulog ako buong maghapon ay may pera at kakainin pa rin ako. Hindi ko lubos akalain na sa isang iglap ay malulugmok ako sa putikan.
Napatigil ako sa paglalakad ng may nabasa akong hiring na nakapaskil sa gilid ng Sweet Cafe. Mabilis akong pumasok sa loob mg cafe at nag-inquire.
"Ano po ang atin, ma'am?"
"Mag-a-apply sana ako ng trabaho. Nalaman ko kasing hiring kayo ngayon."
Malawak ang cafe na ito at maganda ang ambiance. Kaya hindi na ako magtataka kung marami silang customer.
"Ilang taon ka na ba?" tanong sa akin ng magandang babae.
Siya ba ang may-ari ng cafe na ito?
"Eighteen po, ma'am." magalang kong sabi.
Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa at tumango-tango siya. Lord, sana ay may bakante pa at sana tanggapin nila ako dito. I badly need an extra income.
"Doon tayo sa loob ng office ko, miss." maowtoridad na sabi niya sa akin.
Sumunod ako sa kan'ya at nagulat ako nang makita ko si Constantine na prenteng nakaupo sa sofa. Sa kanila ba ang Sweet Cafe? Ate niya ba ang may-ari nito?
Kahit hindi pa niya hinihingi ang resume ko ay mabilis ko itong ibinigay sa kan'ya.
"Wala ka pang experience sa work?"
I was caught off guard. Kung sasabihin kong wala ay baka hindi niya ako tanggapin, pero ayoko namang magsinungaling.
"Wala pa po," hindi ako makatingin ng diretso sa kan'ya dahil nahihiya ako.
"Hmh, pwede ka bang ngumiti? 'Yong totoong ngiti ah," istriktang sabi niya.
Kahit na ayokong gawin ang ipinapagawa niya sa akin ay ginawa ko pa rin dahil desperada na akong magkaroon ng trabaho. Huwag niya lang akong pasayawin dahil hindi ko talaga ako sasayaw.
"Hmh, mas maganda ka kapag nakangiti ka, Hera Salazar."
"Salamat po," mahinhin kong sambit.
Lord, sana ay maawa po kayo sa akin.
Ngayon ko lang napansin na may pagkakahawig sila ni Constantine. Mukhang kapatid ni shokoy ang magandang binibini na nasa aking harapan.
She is tall and sexy. Her skin is like a milk. She has a wavy long hair and she's like a human barbie doll. I like her beauty!
"Busy ka ba ngayon?"
"Hindi naman po," wala naman akong gagawin ngayon.
"By the way, I'm Christine. Pwede ka ng mag-start ngayon at ikaw ang gagawin kong cashier." nakangiting sabi niya.
Nako, thank you Lord, may trabaho na ako. Yes!
"Hala, thank you po ma'am. Hulog po kayo ng langit," masaya kong sambit.
Salamat Lord at pinakinggan mo ako.
"Welcome, sigurado akong maraming lalaki ang babalik sa cafe natin ng dahil sa 'yo." natatawang sambit niya.
"Hindi naman siya maganda," biglang sabi ni Constantine.
What the hell! Ako hindi maganda? Nenek niya... Maganda ako, period!
"Duh, bulag ka ba? Ang ganda kaya ni Hera," hindi makapaniwalang sabi ni ma'am Christine kay Constantine.
Iba siguro ang definition niya sa maganda.
"Tsk, hindi siya maganda sa paningin ko." walang prenong sabi niya.
Wow ah, ang kapal naman ng mukha ng pangit na unggoy na ito. Iniinsulto niya ba ako? Hindi rin naman siya gwapo sa aking paningin. Duh, para siyang tubol, promise!
Argh, akala mo naman hindi siya nagandahan sa katawan ko eh para nga siyang asong ulol nung aksidente niyang nakita ang kabuuan ko. Duh!