Nang sumikat ang araw, sunod-sunod na pag-ring ng cellphone ni Reigan ang gumising sa ‘kin. My head is spinning and it hurts so bad. Nakapikit pa rin ang mga mata ko at una kong naramdaman ay ang mainit na braso ni Reigan na nakayakap sa aking tiyan. Wala kaming kahit anong suot at tanging ang makapal na puting comforter sa kaniyang kama ang tumatabon sa ‘ming dalawa. Unti-unti akong napamulat at lalong nagkamalay sa paligid. Napatingin ako sa aking katabi. He was still sleeping when I woke up. Nawala sa isip ko ang cellphone na nagri-ring kanina dahil namatay rin iyon agad. Nang matingnan ko si Regan, parang bumaha ang mga alaala ng nangyari kagabi lamang sa isipan ko, at nagsimulang dagain ng kaba ang aking dibdib. Tinitigan ko si Reigan. Napakurap ako at agad na uminit ang sulok

