Tinitigan ko ang mensahe ni Reigan. Sumimsim ako sa aking wine at nagtipa ng reply. Me: Send me the address of your place. Doon tayo mag-usap, Reigan. Malamig ang tingin na pinindot ko ang send button. Pagtapos kong mapindot iyon ay kumuha na ako ng damit para maghanda at magbihis. Dumiretso ako sa shower. I need an hour or two to get ready. Hindi rin ako nagkamali na si Reigan mismo ang magte-text sa ‘kin para makipag-usap. I guess he’s making this easy for me. Patapos na ako nang mabasa ang reply ni Reigan. He really sent it. Sa isang exclusive tower iyon naka-address na may sobrang pribadong access. Binigay rin ni Reigan ang numero ng mismong unit niya. Muli kong nabasa ang reply niya at ewan ko ba, kinabahan ako bigla kahit ako naman ang may binabalak at may plano. Siya dap

