Isang buong araw ang lumipas na tila may kulang sa mundo ni Liza. Mula nang umalis si Franco nang madaling-araw dala ang larawan ng itim na kotse, bumalik ang bahay sa dati nitong katahimikan, ngunit ngayon, mas ramdam niya ang kawalan. Hindi na lang ito ang pagkawala ni Leo ang bumabagabag sa kanya, kundi pati na rin ang pagkawala ng presensiya ni Franco na, sa maikling panahong iyon, ay naging sandigan niya sa gitna ng magulo niyang isip.
Paulit-ulit niyang tinitingnan ang cellphone, umaasang may mensahe o tawag. Ngunit walang dumating. Sinubukan niyang maglinis ng bahay para maibaling ang isip, inayos ang mga gamit ni Leo, pinunasan ang alikabok sa mga istante, ngunit sa bawat galaw ay bumabalik ang alaala ng mga nakaraang araw, ang kaba, ang takot, at ang pag-asang unti-unting nabubuo.
Pagsapit ng hapon, umupo siya sa sofa at napabuntong-hininga. Hindi niya maipaliwanag kung bakit hinahanap-hanap niya ang presensiya ni Franco. Hindi naman niya ito matagal na kilala, ngunit may kakaiba itong dala, isang pakiramdam ng seguridad at direksyon na matagal nang nawala mula nang mawala si Leo.
Nang dumilim ang paligid at magsimulang magsindi ang mga ilaw sa labas, inihanda ni Liza ang hapunan. Simple kanin, pritong isda, at ginisang gulay. Dalawa ang kanyang niluto, kahit hindi siya sigurado kung darating si Franco. Marahil, sa kaibuturan ng kanyang puso, umaasa siyang babalik ito sa kanya, at samahan itong kumain.
Bandang alas-nuwebe ng gabi, may biglang kumatok sa pinto.
Napapitlag si Liza. Agad siyang tumayo, bahagyang kinakabahan. Nang buksan niya ang pinto, bumungad sa kanya si Franco, bakas ang pagod sa kanyang mukha, ngunit matatag ang tindig. May suot itong itim na jacket at may malaking backpack na nakasabit sa balikat.
“Franco…” sambit ni Liza, halatang nagulat ngunit may bahid ng ginhawa ang tinig.
“Pasensya na kung ngayon lang,” sabi ni Franco. “Medyo tumagal sa opisina.”
Pinapasok niya ito sa loob at agad napansin ang bigat ng backpack. “Ano’ng laman niyan?” tanong niya.
Ngumiti si Franco nang bahagya at inilapag ang bag sa mesa. Binuksan niya ito at isa-isang ipinakita ang laman, ilang pirasong damit na maayos na nakatiklop, isang baril na maingat na nakabalot, isang laptop, camera, at ilang papel at folder na puno ng dokumento.
“Mga kakailanganin ko para sa imbestigasyon,” paliwanag niya. “Mukhang dito muna ako mananatili ng ilang araw.”
Nanlaki ang mga mata ni Liza. “May baril ka pala?”
“Oo,” sagot ni Franco, seryoso. “Hindi ito para takutin ka. Para ito sa proteksyon. Habang lumalalim ang kaso, mas nagiging delikado.”
Tahimik si Liza saglit bago tumango. “Naiintindihan ko.”
Umupo sila sa mesa at nagsimulang mag-usap. Ikinuwento ni Franco ang buong araw niyang paghahanap, ang pakikipag-ugnayan sa LTO, ang pag-verify ng partial plate number, at ang mga posibleng koneksyon ng sasakyan sa ilang kaso ng illegal activities.
“Sa ngayon,” sabi ni Franco, “inaantay ko na lang ang tawag ng kasama ko sa opisina. Kapag nakuha na namin ang eksaktong address ng may-ari ng itim na kotse, doon magsisimula ang mas seryosong bahagi ng imbestigasyon.”
Napahigpit ang hawak ni Liza sa baso ng tubig. “Ibig sabihin… malapit na tayo?”
“Mas malapit kaysa dati,” sagot ni Franco. “Pero mas delikado rin.”
Matapos ang usapan, napansin ni Franco ang nakahain na pagkain. “Ikaw lang ba ang kakain?”
“Hindi,” sagot ni Liza. “Nagluto ako para sa dalawa. Hindi ko lang alam kung darating ka.”
Ngumiti si Franco, isang ngiting bihirang lumitaw sa kanyang seryosong mukha. Naupo silang dalawa at sabay na kumain. Sa gitna ng simpleng hapunan, unti-unting gumaan ang kanilang usapan. Napagkwentuhan nila ang mga simpleng bagay, kung paano sila lumaki, ang mga paboritong pagkain, at ang mga munting alaala na hindi konektado sa kaso.
Sa sandaling iyon, parang matagal na silang magkakilala. Parang hindi lang sila nagkita dahil sa isang trahedya, kundi dahil sa tadhana. May katahimikan sa pagitan nila na nakakailang, ngunit gayonpaman, iyon ay nagbibigay ng kakaibang kapanatagan.
Pagkatapos kumain, tumayo si Liza upang magligpit ng pinagkainan. Ngunit bago pa man siya makarating sa lababo, nagsalita si Franco.“Ako na ang maghuhugas,” boluntaryo niyang sabi.
Nagulat si Liza. “Sigurado ka?”
“Oo,” sagot ni Franco. “Hayaan mo naman akong tumulong.”
Ibinigay niya ang mga plato at tumabi sa lababo. Pinanuod siya ni Liza habang nagbubukas ng gripo. Ngunit sa sandaling iyon, may biglang malakas na putok na umalingawngaw sa kusina.
“Franco!” sigaw ni Liza.
Biglang pumutok ang gripo sa lababo, at bumuga ang tubig nang malakas, tumalsik sa lahat ng direksyon. Sa loob ng ilang segundo, pareho silang nabasa! mula ulo hanggang paa.
“Anong nangyayari?!” sigaw ni Franco habang pilit hinahawakan ang gripo.
“Teka lang!” sabi ni Liza, na tumatawa na sa gitna ng gulat.
Basang-basa ang kanilang mga damit, at ang sahig ay mabilis na napuno ng tubig. Sa kabila ng kalituhan, napatawa silang dalawa, isang tawang matagal nang nawala sa mukha ni Liza.
Sa gitna ng tawa, nagtagpo ang kanilang mga mata. Sandali silang natahimik. Ramdam nila ang kakaibang init sa kabila ng malamig na tubig. Isang sandaling puno ng emosyon, kalungkutan, pag-asa, at isang hindi inaasahang koneksyon.
“Pasensya na,” sabi ni Franco, bahagyang humihingal. “Mukhang masyado akong malakas magbukas ng gripo.”
“Hindi,” sagot ni Liza, sabay ngiti. “Siguro kailangan lang ng bahay ng kaunting ingay… para maalala kong buhay pa ako.”
Tumahimik si Franco. Sa kanyang mga mata, nakita ni Liza ang pag-unawa, hindi awa, kundi paggalang sa sakit na kanyang pinagdadaanan. Habang pinupunasan nila ang sarili at inaayos ang kusina, alam nilang pareho na may nagbago. Sa gitna ng kaguluhan at panganib, may nabubuong ugnayan na hindi nila inaasahan.
At sa labas ng bahay, sa ilalim ng madilim na langit, isang mensahe ang darating kay Franco, isang mensahe na magdadala sa kanila sa susunod na yugto ng katotohanan, kung saan masusubok hindi lamang ang kanilang lakas ng loob, kundi pati ang kanilang mga puso.
"Sir Frank... ne email ko na ang completong detalye pati na ang address ng may ari ng itim na van. Sensya na hindi ako natawag, may emergency lang." Mensahing natanggap ni Frank sa kanyang cell phone. Umiilaw lang ito na nasa ilalim ng kanyang backpack, at hindi pa niya nababasa. Dahil mas inuna nito ang pag aayos ng gripo.
"Teka, ekukuha lang kita ng tuwalya ahh. maligo ka na rin baka magkasakit ka pa.." sinabi ni Liza na nag aalala sa kanya.
"Samalat Li.. salamat Ma'am.." agad bumawi si Frank.
Tumango lang si Liza na ngumiti ng kaunti. Ngunit sa kanyang pagbalik ay nadatnan niyang nakahubad na si Frank ng kanyang pang itaas na damit. Ang kanyang kuyumangi na katawan ay napaka angas, slim na mayroong six pack abs. Namumuo pa ang tubig sa kanyang madulas na balat dahil sa pagkabasa nito kanina. Maging sino mang babaeng makakakita nito ay talagang mapapakagat labi.
Kasalukuyang nakayuko si Frank na abalang iniikot ang lock ng gripo, at walang siyang alam na si Liza ay tulalang nakatitig sa kanyang likuran.
Habang abala ang lalaki, ay abala rin ang isip ni Liza na ini-imagine ang kanyang mga braso na yumayakap sa kanya, na halos kasinglaki ng mga braso ng kanyang nobyo na si Leo. Sa isip niya, kung si Leo lang sana ang nandito na kasama niya ngayon, siya na sana ang unang nagpasabog ng kanyang tubig, bago paman ang gripo. Kanina pa sana siya nauungka ng kanyang nobyong mahilig sa s*x.