ANG PAHAYAG NG DAMDAMIN

1268 Words
Si Franco yung tipong abala sa buhay. Alam yan ng mga ka trabaho niya sa opisina, sa pagiging seryoso nito sa trabaho. Parati siyang na-recognize as the best one agent staff of the year, na napapabilang sa secret agent department, na napailalim sa malawakang departamento ng nga pulisya at NBI. Ang pangunahing trabaho nila ay ang mangalap ng sapat na evidence o mas kilala sa tinatawag na spy agent. Pero ngayon ay hindi siya nagta-trabaho, bagkos ay pinagtuunan ng pansin ngayon ang pag-aayos ng gripo sa lababo. Nakayuko siya sa harap nito, hawak ang isang basahan at maliit na wrench na nakuha niya sa backpack. Ang tubig na kanina’y walang tigil sa pag-agos ay unti-unti nang humuhupa habang hinihigpitan niya ang koneksyon ng tubo. Sa bawat ikot ng kamay niya, unti-unting bumabalik ang katahimikan sa kusina. “Ayan,” mahina niyang sabi sa sarili nang tuluyan nang bumalik sa normal ang agos ng tubig. Itinuwid niya ang kanyang likod, at bahagyang napailing, saka hinila ang basang T-shirt na suot niya. Basa ito mula balikat hanggang tiyan, at dahil sa liwanag ng ilaw sa kusina, bahagyang aninag ang anyo ng kanyang katawan sa ilalim ng tela. Hinawakan niya ang laylayan ng T-shirt at ginamit iyon upang punasan ang kanyang leeg at mukha, wari’y walang kamalay-malay sa matang nakatuon sa kanya, na nasa likuran. Si Liza ay nakatayo sa may pintuan ng kusina, hawak ang isang tuwalya na balak sana niyang iabot kanina pa. Ngunit sa sandaling iyon, tila nakalimutan ng kanyang kamay ang dapat gawin. Hindi niya maipaliwanag ang biglang pagbilis ng t***k ng kanyang puso, ni ang init na gumapang sa kanyang pisngi. Ano ba ‘to, Liza? sigaw ng isip niya sa sarili. Hindi ito basta paghanga. Hindi rin simpleng pagtingin. Para siyang natigilan, nahuli sa pagitan ng lungkot na matagal nang bumibigat sa dibdib niya at isang kakaibang damdaming ngayon lang muling nagparamdam. Mula nang mawala si Leo, ipinangako niya sa sarili na wala nang puwang para sa ganitong mga isipin. Ngunit nandito si Franco, totoong tao na kasama niya ngayon sa buhay, at kasalukuyang bahagi na ng kanyang araw-araw na pagharap sa takot. Hindi niya namalayang mas tumagal ang kanyang titig kaysa nararapat. Napansin ni Franco ang katahimikan. Lumingon siya at nakita si Liza na nakatayo, napansin niya na tila malalim ang iniisip nito. May bahagyang pagtataka sa kanyang mukha, ngunit hindi ito nagtagal. Sa halip, ngumiti siya, isang ngiting hindi mapangahas, kundi banayad at may halong pag-unawa. “Okay ka lang?” tanong niya. Napapitlag si Liza. “H-ha? Oo! Oo, okay lang,” mabilis niyang sagot, bahagyang tumalikod para itago ang pamumula ng mukha. Ibinaba ni Franco ang T-shirt at bumalik sa lababo. Kinuha niya ang mga natitirang plato at ipinagpatuloy ang paghuhugas, para bang walang kakaibang nangyari. Ngunit sa loob-loob niya, ramdam niya ang pagbabago sa hangin, ang bigat at init na hindi galing sa sirang gripo, kundi sa pagitan nilang dalawa. Habang naghuhugas si Franco, sinubukan ni Liza na ayusin ang sarili. Huminga siya nang malalim at pumikit sandali. Hindi ito ang oras, paulit-ulit niyang paalala sa sarili. Hindi dapat ganito. Ngunit ang damdamin ay hindi laging sumusunod sa tamang oras. Natapos ni Franco ang huling plato at isinabit ang basahan. Humarap siya kay Liza at bahagyang ngumiti. “Pwede ba akong humiram ng tuwalya?” tanong niya. “Medyo… basa pa rin ako.” Napatitig si Liza sa kanya. Nasa kamay niya ang tuwalya, malinis, puti, at bahagyang mainit pa dahil galing sa sampayan. Ngunit hindi agad gumalaw ang kanyang kamay. Parang may kung anong humawak sa kanya sa kinatatayuan niya. Sa sandaling iyon, ramdam niya ang sarili, ang pagod, ang lungkot, ang takot, at ang matagal na pagkagutom ng damdamin. Hindi ito tungkol sa pisikal na anyo ni Frank lamang; ito ay tungkol sa presensiyang matagal niyang hinanap, isang taong naroon, nakikinig, at hindi nawawala. “Liza?” muling tawag ni Frank, ito ay mas mahinahon. Dahan-dahan niyang iniabot ang tuwalya, halos ayaw pang bitawan. Nang magtagpo ang kanilang mga daliri, saglit na tumigil ang mundo. Isang simpleng dampi, ngunit sapat na upang magpadala ng kakaibang kiliti sa kanilang dalawa. “Salamat,” sabi ni Frank, bahagyang seryoso ang tono. Tinanggap niya ang tuwalya at pinunasan ang buhok at leeg. Hindi siya nagmamadali. Hindi rin siya nagpakitang komportable o may intensyon na lampasan ang hangganan. Sa halip, nanatili siyang maingat, alam niyang nasa gitna pa rin sila ng isang masalimuot na sitwasyon. Napansin iyon ni Liza. At doon niya lalo pang naramdaman ang pagkalito sa kanyang sarili. Bakit ganito? tanong niya sa isip. Bakit ngayon pa? “Magshower na lang ako saglit,” sabi ni Frank matapos magpunas. “Para rin makapag-isip nang maayos.” Tumango si Liza. “Oo… nasa banyo sa likod.” Habang naglalakad si Frank papunta sa banyo, napangiti siya nang bahagya, isang ngiting puno ng pag-unawa, na para bang alam niyang pareho silang may nararamdaman ngunit pinipiling huwag munang pagusapan iyon. Nang maisara ang pinto ng banyo at marinig ang pag-agos ng tubig, saka lamang muling nakahinga nang maluwag si Liza. Naupo siya sa upuan sa kusina at napahawak sa noo. “Ano bang ginagawa ko?” bulong niya. Sa loob ng banyo, nakatayo si Frank sa ilalim ng malamig na tubig. Hinayaan niyang bumagsak iyon sa kanyang balikat, para bang hinuhugasan hindi lang ang pagod ng katawan, kundi pati ang bigat ng isip. Alam niyang delikado ang sitwasyon, hindi lang ang kaso, kundi ang emosyonal na distansiyang unti-unting nababawasan. Hindi dapat, paalala niya sa sarili. Hindi pa ngayon. Ngunit sa kabila ng kanyang disiplina, hindi niya maikakaila ang isang katotohanan. May nabubuong koneksyon. Isang bagay na hindi niya inaasahan, at hindi niya rin alam kung paano haharapin. Paglabas niya ng banyo, mas presko na ang itsura niya, nakasuot ng malinis na T-shirt. Nadatnan niya si Liza sa sala, tahimik na nakaupo, na tila may malalim na iniisip. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Walang nagsalita. At sa katahimikang iyon, parehong may alam ang kanilang mga puso, na ang imbestigasyon ay hindi na lang tungkol sa paghahanap kay Leo. Ito rin ay tungkol sa pagharap sa mga damdaming matagal nang tinatago, at sa mga hangganang unti-unti nang lumalabo, na mas lumalalim pa nitong gabi. Sa labas, muling umihip ang hangin. At sa loob ng bahay, may dalawang taong parehong nagtatangkang manatiling matatag, kahit unti-unti nang sinusubok ng damdamin ang kanilang pinaninindigan. "Ayos, ok ka na.." sinabi ni Liza na agad napatingin sa kanya ng dumating siyang presko sa sala. Basa pa ang buhok nito na marahan niyang pinunasan gamit ang isang pirasong maliit na tuwalya. "Oo ngayon ko lang napag alaman, na mas masarap pala ang tubig sa gabi kaysa sa umaga..." pabirong sinabi ni Franco. At nagtawanan ang dalawa. "Marahil ay hindi ka lang sana'y.." sinabi ni Liza. Ngunit matapos ang tawanan ay hindi nagpatinag ang malagkit nilang tinginan sa isa't isa. "Salamat Ma'am Liza." "Ano ka ba wala iyon. Tska pwede ba huwag mo na akong tawaging "Ma'am"..halos magka edad lang din naman siguro tayo.." "Kahit na ho.. kayo pa rin po ang kleyente ko..." sinabi ni Franco na may pagka astig sa boses. Hindi maiwasang mapamangha si Liza sa kanyang maginoong pag-uugali. Lalo na sa kanyang tindig. Mas matangkad siya sa 6.3 na taas kaysa sa kanyang nobyo na si Leo na nasa 6.1 lamang. Bukod pa dito, ay ang kanyang mukha, ay may hawig kay Leo. Ang kaibahan lamang ay mas seryoso ang mukha ni Franco na parang hindi marunong ngumiti. Dagdag pa ang makapal na balbas nito sa mukha na parang hindi inaalagaan ang sarili, sa loob ng ilang taon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD