PAKAWALAN MO NA

834 Words
"Ano mahal mo ba ako o hindi?" tanong ni Franco. "Ano bang klaseng tanong yan? alam mo kung anong sagot ko...." paliwanag ni Liza. Nangingitim sa galit ang mga mata ni Liza. Hindi niya matanggap sa sarili niya na siya ay natukso. Natukso kay Franco, ang lalaking estranghero na nakilala niya dito sa kagubatan. Sa una ang akala niya ay, pala kaibigan lang ito, ngunit ang isang tukso ay umabot sa kanyang limitasyon, at iyon ay ang ipinagbabawal na pakikipagtalik. Dalawang linggo na ang nakalipas matapos makababa ng bundok si Liza. Siya ay pansamantalang nakatira sa kilalang tiyuhin ng kanyang long time boyfriend na si Leo. Hindi siya sumuko sa paghahanap, mahal niya si Leo kahit na hinabatikos na siya ng malalapit na kamag anak at kaibigan, dahil sa pagkawala nito sa kagubatan. Sumakatuwid, iniisip ng pamilya na may connection siya kung paano ito nawala. Napakuno't noo si Franko, pakiramdam niya ay para siyang naisahan ni Liza. "So ganon lang iyon?" "Franco. uulit ulitin ko pa ba sayo? mahal ko si Leo. Siya ang boyfriend ko, at siya lang ang lalaking mamahalin ko" ang tumataas na boses ni Liza. "Huh! Ibig mong sabihin tuwing nagse- s*x tayo si Leo pa rin ang nasa isip mo? Tuwing magkayakap tayo at pinapainit natin ang magdamag. Si Leo pa rin ang laman ng puso mo?" sunod na sinabi ni Franco. Sinusubukan niyang liwanagin ang isip ng babaeng mahal na mahal niya, na si Liza. Mas lalong kinagalit ni Liza ang pagmamataas niya sa sarili. Aminado siyang naging marupok siya ng oras na iyon. Pero ang malaking tanong na lamang niya ay kung anong mukha pa ang ihaharap niya sa kanyang nobyo, kapag nalaman nitong nakipagtalik siya sa ibang lalaki. "Instead na magalit ka, pwede ba akong himingi ng favor sa iyo?" tanong ni Liza kay Franco. Kumalma ang boses niya na tila nataohan. Nataohan matapos buhusan ng malamig na tubig. Natahimik din naman si Franco at nag-cross ng kanyang mga braso. Lumapit siya kay Liza at sinabing, "pag iisipan ko..." "Franco, pwede ba! hindi ako nakikipag-biruan sa iyo." sinabi ni Liza na sinundan si Leo na naglalakad papunta sa pangpang. Hanggang sa biglang napatigil si Franko at lumingon kay Liza. "Favor? ilang beses ko nang narinig sa iyo yan. Favor naman please..." pang aasar pa ni Franco kay Liza. "Franco makinig ka. Ang nangyari sa atin... pwede ba sa atin na lang iyon? Gusto ko walang nakaka alam. Hanggang mawala iyong feelings mo sa akin.. makaka move on ka din naman ee.." "Ano?" tanong ni Franco ng magulat matapos marinig ang sinabi ni Liza. Tumingin ito sa kanya na parang nagaapoy ang mga titig. Ang kanyang bibig na hindi maibuka ng maayos. Matapang din siyang tinititigan ni Franco, na parang ang mga mata nila ay katulad sa dalawang pusa na nagsasabunutan na ayaw mag paawat, at sobrang maingay. "Franco... hindi porket nagse-s*x tayo ee mahal natin ang isa't isa. Ginusto lang natin iyon dahil nadala tayo nang emosyon?" "Emosyon?" pagkaklaro ni Franco. "Oo, emosyon. Katulad nang nilamig tayo noon di ba? tanda mo naman siguro kung paano tayo nahulog sa ilog. Ang lamig ng tubig! kahit naman sino ay lalamigin sa sobrang lamig ng tubig sa ilog." "Ahh, kasi nabasa tayo ng tubig." sinabi din ni Franco. "Yup, dahil don nilamig tayo at kinailangan natin ng init. Kaya ayon..?" pagdadahilan ni Liza. Iniisip niya na sana ay makalusot siya kay Franco at papanig siya sa gusto niyang mangyari. "Nainitan ka ba tuwing niyayakap kita?" "Oo naman.." sagot ni Liza. "Nagustuhan mo ba ang init na iyon?" "Syempre naman..." sagot ni Liza. Napangiti si Franco. Halata sa mukha niya na mayroon siyang ibang iniisip. Batid niyang may pag asa pa siyang maagaw ang babaeng mahal niya, mula sa lalaking sinasabing nobyo ni Liza. "Ah teka, Franco ano ba?" Kunot noong sinabi ni Liza na tumaaas na naman ang boses. "Alam mo hindi ka dapat ma-mroblema ee." sinabi ni Franco at napatingin sa kanya si Liza. "Mamili ka ako o siya?" "Bakit naman yan pa ang itatanong mo sa akin? Alam mo naman ang sagot." naiinis na boses ni Liza. "Wala ka pang sagot " "Oo na nga.. syempre si Leo. Siya ang pipiliin ko sa inyong dalawa. Kaya utang na loob, maghanap ka na ng iba. At kalimutan mo na ako." pakiusap ni Liza. Halos luluhod na siya sa harapan ni Franco para sa kanyang pakiusap, pero nagmanatigas pa rin ang lalaki. "Papakawalan kita.. oras na makita kong masaya ka na, sa piling niya." sagot ni Franco sa malumanay na boses. Ang kanyang mga titig kay Liza ay nagpapakita ng kanyang pagiging malungkutin. Nasasaktan siya tuwing lumalayo sa kanya ang babaeng minamahal niya. Gusto niyang yakapin itong muli, at halikan sa noo ngunit hindi siya papayagan nito. Ayaw niyang magalit si Liza, ayaw niyang lumayo ang loob ng mahal niya. Kaya kahit masakit titiisin niya, Makita lang siyang maligaya, sa piling ng iba. "Oo naman.. pareho naming mahal ang isa't isa kaya magiging masaya kaming magkasama, hanggang pagtanda."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD