ANG TIRADOR NG MANOK

923 Words
Sa isang malawak na bukid, ay may matanda na nag aalaga ng mga manok na panabong. Nasa dalawampu't anim na manok ang bilang na narooon. (Ssshhhhh.Shhh) Isang malaking ahas na kulay berde ang gumapang sa malaking sanga ng mangga. Parang isang bantay ito na nasa itaas habang tinitingnan ang taong nasa lupa. Umuusok ang kanyang sigarilyo habang may hawak na isang panabong na manok. "Lusog muna ah! sa susunod na linggo ilalaban na kita. Kaya ngayon magpa-kondisyon ka muna ah!" Sabi ng isang matanda na kinakausap ang alagang manok na panabong. Nilapag ng matanda ang manok sa lupa malapit sa bahay-kulungan nito. Nakatali ang isang paa pero malaya pa rin itong makatakbo sa damohan at makakain ng mga insekto. Pagkatapos ay umalis ang matanda sa lugar para kumuha ng tubig. Ang kanyang alaga ay parang tao din, matapos pakainin ay kailangang paiinumin din ng isang malinis na tubig. Bukod pa dito, may mga sariling bitamina ito para sa malusog na katawan ng alagang manok. (Mmggaaaa..a) tunog ng kalabaw sa mababang parti ng bukid, habang umiiktin-iktin ang buntot nito na nakababad sa kalmadong tubig ng ilog. Tahimik ang paligid na tanging mga huni ng ibon lang ang maririnig. Ang isang taong kagaya ng matandang ito na naninirahan sa ganitong klasing lugar ay sana'y na sa katahimikan at ayaw ng maingay at magulo, di katulad sa syudad. (Ppeeh. peewwg peehh) kumakanta ang matanda habang bitbit ang maliit na bowl na gawa sa steenless. May laman itong tubig na inaakyat niya pabalik sa itaas na bahagi ng lupa. "Ay kabayo! nasaan ang manok ko!?" sigaw ng matanda. Sa kanyang pagdating ay ang tali na lang ang naiiwan sa lupa. Nagpalingon-lingon siya sa paligid, umaasang makikita niya ito at hindi pa nakakalayo kung nakatakas man sa sarili nitong tali. Sumunod ay inikot niya ang buong lugar, sa paniwalang makikita pa niya ang alaga. Isang malakas na hangin ang dumating at napahinto ang matanda. Bigla na lang may dumapo sa kanyang nalalapit na pagkalbo ng kanyang ulo. Nararamdaman niya ang isang bagay na dumapo dito kaya napahawak siya sa kanyang ulo, maramdaman ang isang balahibo at kinuha niya ito. Ngunit, nang makita ay laking gulat na lamang niya, dahil iyon ay isang pirasong balahibo ng kanyang alagang manok na hawak-hawak pa niya kanina. Kunot noo siyang lumingon muli sa kanyang likod, ngunit walang ibang tao na naroon sa lugar. Kahit saan siya tumingin ay hindi na rin niya nakita ang isang alagang manok na bigla na lang nawala. "Sino kaya kumuha ng panabong ko?" Kahit kinalmot pa niya ng ilang beses ang kanyang manipis na buhok sa ulo ay wala na siyang mahawakan, sa sumakatuwid, malabong makikita pa niya muli ang kanyang alaga. Maya maya pa ay isang magsasaka ang dumaan sa bahay ng matanda. Hawak pa nito ang tali ng kanyang kalabaw habang naglalakad. "Mang Martin.. andiyan ka pala kahapon pa kita gusto ma-kausap." "Oh, bugoy. Ikaw pala.. ano sa atin?" Tanong ng matandang si Mang Martin na nawalan ng alagang manok. "May usap usapan kasi sa buong barangay natin, na iyong mga alaga nilang manok nawawala. Kwento pa ng iba natagpuan nalang nila ang balahibo at ilang pirasong ng paa sa damuhan." "Oh, bugoy. Saan ka naman nakasagap ng tsismis na yan." "Eh saan pa e di doon sa mga tambay na mga lasingero doon sa kanto." "Alam mo Bugoy, ayaw ko sana patulan ang haka-haka, na iyan pero sa palagay ko totoo. Nawala din kasi ang alaga ko ngayon lang, tumalikod lang ako para kumuha ng tubig, pagbalik ko wala na doon, tali na lang ang naiwan. Napaisip na nga lang ako kung paano nakawala iyon, wala namang ibang tao dito." paliwanag ni Mang Martin, napapa-isip ito ng malalim habang inaalala ang nangyari sabay kamot uli sa ulo. "Ang sabi pa nga ni Aling Josefa, yung babaeng nakatira sa bundok. Hindi daw tao Ang nangunguha Ng alagang manok. Kung Hindi Isang malaking ahas daw." "E hahaha. Alam mo Bugoy. Kung malaking ahas iyon, eh di sana Nakita ko. O may nakakakita nito." "Yan na nga Ang sagot ko Kay Aling Josefa. Pero Ang Sabi niya sa akin. Hindi lang ito basta ahas, dahil alaga daw ito Ng Isang demonyo na walang nakakakita. Ibig sabihin kumakain ito Ng manok, pero hindi nakikita ng mga tao" "Eh kung Hindi nga natin nakikita, paano natin mapapatunayan na isa nga itong ahas." "Ayon sa pagkakatanda ko, ang ahas na ito ay hindi normal na ahas lang. Dahil bukod sa alaga ito ng isang demonyo, madalas din daw ito nagpapalit ng anyo, alam mo iyon? mula sa pagiging ahas niya, nagkakatawang tao ito." sunod na sinabi ng magsasaka. "Bugoy, ako ba niloloko mo? Mahilig ka siguro manood niyan sa telebisyon " sagot ni Mang Martin na hindi naniniwala sa sinasabi nito. "Hindi naman sa ganon Mang Martin. Mahirap paniwalaan, oo, pero wala namang mawawala kung maniwala tayo kay Aling Josefa." "Alam mo Bugoy, matanda na ang babaeng iyon, ang sabi nila dumaan ng depresyon iyon dahil iniwan ng lalaking iniibig, ayon! nabaliw. Kaya wag mo na ipilit sa akin na paniwalaan ka." "Hayst, Mang Martin. O Sige na nga.. basta sinabi ko lang sa iyo kung ano ang mga narinig ko." dagdag pa ni Bugoy. Napakalmot siya sa kanyang ulo na malamang hindi siya pinaniniwalaan ng matanda. Umalis na lamang ito sa harapan ng matanda at nagpatuloy sa kanyang lakad. "Mga tao talaga... Kung ano ano ang nilalaman ng isip, walang ibang ginagawa kung hindi ang gumawa ng kwento." sinabi ni Mang Martin saka pumasok sa loob ng kanyang tahanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD