đ SALAWAHANG PUSO
"Mahal mo ba ako o hindi!?"
Napakunot noo si Liza nang biglang nagtanong si Franco.
"Ano bang klaseng tanong yan? alam mo kung anong sagot ko...."
Nangingitim sa galit ang mga mata ni Liza. Hindi niya matanggap sa sarili niya, na siya ay natukso.
Natukso kay Franco.
Si Franco ay ang lalaking estranghero noon, na nakilala niya dahil sa pagkidnap nito sa kanyang fiancee, na si Leo. Sa una ang akala ni Liza, ay gusto lang ni Franco na makapaghigante kay Leo. At ang kapalit doon, ay ang pananatili niya sa poder ni Franco.
Hindi akalain ni Liza na sa kanyang paninilbihan kay Franco ay bibigay siya... isang tukso na umabot sa kanyang limitasyon, at iyon ay ang ipinagbabawal na pakikipagtalik.
Ang pakikipagtalik sa iba na hindi mo asawa o kasintahan ay isang makasalanan. Ngunit para kay Franco, makasalanan ba ang umibig ng buong tapat para sa babaeng handa siyang ibigay ang lahat?
Dalawang linggo na ang nakalipas matapos ma stranded si Liza sa tahanan ni Franco... ganyan ka tagal ang labis na pagkamuhi, at lalim ng kanilang hindi pagkakaunawaan.
Gayonpaman, kahit nagmamatigas si Liza ay tinatrato pa rin siya ni Franco bilang prinsesa sa kanyang tahanan. Kahit na sa mata ng ibang tao, ay isa siyang sapilitang hina-hired ng amo para magbayad nang utang.
Well, ang naturang komunikasyon ay si Liza at Franco lamang ang nakalaalam.
"So ganoon lang iyon?"
Napakuno't noo si Franco, pakiramdam niya ay para siyang naisahan ni Liza.
"Franco. uulit ulitin ko pa ba sayo? mahal ko si Leo. Siya ang boyfriend ko, at siya lang ang lalaking mamahalin ko" ang tumataas na boses ni Liza. Malalim at malinaw na salitang binitawan niya.
Bahagyang lumapit si Franco kay Liza.
"You mean..tuwing nagse- s*x tayo si Leo ang nasa isip mo?"
Napaangat pa lalo ang mukha ni Liza kay Franco. Pinakitaan niya ito ng pagtaas nang isa niyang kilay.
"Tuwing... magkayakap tayo at pinapainit natin ang magdamag. Si Leo pa rin ang laman ng puso mo?" sunod na sinabi ni Franco. Sinusubukan niyang liwanagin ang isip ng babaeng mahal na mahal niya, na si Liza.
"Pwede ba tumahimik ka na! baka may makakarinig sa atin dito!" reaksyon ni Liza. At napatingin sa paligid, sinisiguro niyang walang tao na nakakarinig sa kanila.
Ngayon ay mas lalong kinagalit ni Liza ang pagmamataas niya sa sarili. Aminado siyang naging marupok siya ng oras na iyon. Pero ang malaking tanong na lamang niya ay kung anong mukha pa ang ihaharap niya sa kanyang nobyo, kapag nalaman nitong nakipagtalik siya sa ibang lalaki.
"Instead na maglandi ka diyan!, pwede ba akong himingi ng favor sa iyo?" tanong ni Liza kay Franco. Kumalma ang boses niya na tila nataohan, matapos buhusan ng malamig na tubig.
Natahimik din naman si Franco at nag-cross ng kanyang mga braso. Lumapit siya kay Liza at bumulong.
"...pag iisipan ko..."
Pagkatapos ay umalis si Franco sa harapan niya.
"Franco, pwede ba! hindi ako nakikipag-biruan sa iyo." sinabi ni Liza na parang buntot na sinundan si Franco na naglalakad papunta sa pangpang.
Napatigil si Franco nang marating niya ang isang sulok ng pangpang, kung saan malakas ang hangin at tahimik.
Silang dalawa lang ni Liza ang nandoon.
Maya maya pa ay lumingon si Franco kay Liza.
"Favor? ilang beses ko nang narinig sa iyo yan."
"Franco makinig ka. Ang nangyari sa atin... pwede ba sa atin na lang iyon? Gusto ko walang nakaka alam. Hanggang mawala iyong feelings mo sa akin.. makaka move on ka din naman ee.." pakiusap ni Liza.
Napakunot ng noo si Franco.
"Ano?"
Tumingin ito sa kanya na parang nag-aapoy ang mga mata.
Habang si Liza natigilan, ni hindi maibuka ang bibig. Matapang siyang tinititigan ni Franco, na parang ang mga mata nila ay katulad sa dalawang pusa na nagsasabunutan sa bubong, at parehong ayaw mag paawat.
"Franco... hindi porket nagse-s*x tayo ee mahal natin ang isa't isa di ba? Ginusto lang natin iyon dahil nadala tayo nang emosyon?"
"Emosyon?" pagkaklaro ni Franco.
"Oo, emosyon. Katulad nang nilamig tayo noon di ba? tanda mo naman siguro kung paano tayo nahulog sa ilog. Ang lamig ng tubig! kahit naman sino ay lalamigin sa sobrang lamig ng tubig sa ilog." pagdadahilan ni Liza. Nagpapasalamat pa siya sa sarili niya at naisip pa niya ang bagay na ito.
"Ahh, kasi nabasa nga tayo.. tama ka din naman."
"Yup, dahil don nilamig tayo at kinailangan natin ng init. Kaya ayon..." pagdadahilan ni Liza. Iniisip niya na sana ay makalusot siya kay Franco at papayag siya sa gusto niyang mangyari.
"Nainitan ka ba tuwing niyayakap kita?" tanong ni Franco
"Oo naman.." sagot ni Liza.
"Nagustuhan mo ba ang init na iyon?"
"Syempre naman..." pabebeng sagot ni Liza.
Napangiti si Franco. Halata na tuloy sa mukha niya na mayroon siyang ibang iniisip. Batid niyang may pag asa pa siyang maagaw ang babaeng mahal niya, mula sa lalaking sinasabing nobyo niya kuno.
"Ah teka, Franco ano ba!? Linawin nga natin to!?" Follow up ni Liza na gusto nang takasan ang kung anong namamagitan sa kanila. Wala siyang nararamdaman para Kay Franco. At nais niyang ito ang magiging tulay, upang hindi na maulit. Maulit, ang pagiging marupok ng dalaga.
"Alam mo hindi ka dapat ma-mroblema ee." sinabi ni Franco at napatingin uli sa kanya si Liza.
"Mamili ka lang... ako o siya?" malokong sinabi ni Franco.
"Bakit naman yan pa ang itatanong mo sa akin? Alam mo naman ang sagot." tumataas na boses ni Liza. Tila hindi na niya kayang awatin ang sarili para pakalmahin.
"Wala ka pang sagot .." insist ni Franco.
"Oo na nga.. syempre si Leo. Siya ang pipiliin ko sa inyong dalawa. Kaya utang na loob, maghanap ka na ng iba. At kalimutan mo na ako." pakiusap ni Liza.
Halos lumuhod na si Liza sa harapan ni Franco para sa isang pakiusap, pero nagmanatigas pa rin ang lalaki.
"Alright, papakawalan na kita... but in one condition." prangkahan na sinabi ni Franco.
Ang kanyang mga titig kay Liza ay nagpapakita ng kanyang kalungkutan. Dahil ang totoo, nasasaktan siya tuwing lumalayo sa kanya ang babaeng minamahal niya, kahit alam niyang hindi siya ang laman ng puso ni Liza. Gusto niyang mayakap ito sa bawat sandali, mahagkan, ngunit tiyak hindi papayag si Liza.
Ayaw ni Franco na magalit si Liza sa kanya, ayaw niyang lumayo ang loob ng mahal niya... Kaya kahit masakit titiisin niya, makita lang siyang maligaya.. sa piling ng iba.
"Ano ba yon.?" tanong ni Liza.
"Pumayag ka na maging girlfriend ko sa loob ng tatlong araw."
Napanganga si Liza matapos marinig ang huli niyang sinabi.
"Girlfriend?!" ulit niya, na halos maisigaw ni Liza ang salitang ito.
"Ayaw mo ata makita ang boyfriend mo."
"No. syempre gusto ko na maka..." napatigil si Liza.
Biglang naisip ni Liza kung ano na naman ang binabalak ni Franco. Bakit kailangan pa niyang magpanggap bilang girlfriend niya sa loob ng tatlong araw.
Panibagong challenge na naman ba ito?
Kasalukuyan siyang nakatitig kay Franco. Habang binabasa ang mga salitang itinatago ng kanyang mga mata.