Irregular#2

1242 Words
Ilang oras na din akong naglibot sa mapunong kagubatan na aking binagsakan. Maraming halimaw ang nangahas na atakihin ako pero mahihina lamang sila. Nakakaya ko silang puksain gamit lamang ang aking hintuturo. Ramdam kong bumilis ang aking pagkilos at mas mabigat ang aking bawat suntok kaya't napapadali ang bawat laban. Nakakapagtaka. Nababagot nadin akong maglakad mag-isa, pagod at medyo nagugutom ang kasalukuyang kalbaryo ko. Kailan kaya makahanap ng lokal na ninirahan dito? Wala kayang taong naninirahan sa planetang ito? Isang sigaw ang kumuha sa aking atensyon, naging alerto ako. Pinakinggan kong mabuti ang nagaganap sa paligid. Isang labanan ang nangyayari basi sa tunog ng espadang aking naririnig. "Mukha nalaman ko na ang sagot." Mabilis akong nagtungo sa pangyayari, nasa norte ito't tumalon-talon ako sa sanga ng puno upang mapadali ang aking galaw. Mas lalo kung binilisan ang aking pagtalon noong sunod-sunod naman na pagsabog umalingawngaw sa paligid. Nadatnan ko halos kwarentang kalalakihang nagpapalitan ng atake. Mukhang tinambangan ang panig ng kalakihang makulay ang kasuotan basi iyon sa bilang na mayroon ang bawat groupo. Isang pigura ng lalaki ang nag-uumapaw sa lahat ang nandoon. Ang estraktura ng kanyang mukha ay masasabi kong perpekto't walang katulad. Ngayon lang ako humanga ng ganito, ang kanyang panga ay sapat na upang dahil ka ng iyong imahinasyon sa iba't-ibang dimensyon. "Mahal na Princepe tumakas na kayo! Sasamahan ka ng ilang sa ak-" "Hindi ko kayang lumisa ikalawang Heneral Gomez! Alam kong malalaban natin sila!" Sagot niya dito upang lalo akong humanga sa kanya. "Ngunit mas importanteng mabuhay kayo, nakasasalay ang buong kaharian sa inyo!" Pagsusumao ng Punong Komandante. "Huwag na kayong magbigay daan sa isa't-isa na parang magkasintahan, lahat kayong myembro ng kahariang Luminar ang aming papatayin!" Mas lalong naging agresibo ang kabilang panig dahil sa pagsigaw ng kanilang nagsilbing pinuno. Ayokong makialam pero may pumipilit sa aking tulongan sila tsaka ayokong masayang ang napakagwapong mukha ng Princepe. Sa katotohanan nga, nakuha niya ang atensyon ko. Minsan lang ako makasalamuha ng baliktad na kasarian at siya ay ang matatawag kong depenisyon ng pang-aakit. Ang kanyang mata, lab- hindi ko dapat siya masyadong pagtuonan ng pansin, alam kong magiging komplikado ang lahat kapag nagpadala ako sa aking damdamin. Umaksyon agad ako dahil kapag tumagal ako dito mas lalo akong mahuhulog sa kanya. Agad akong pumagitna sa laban upang pansamantalang matigil ito. "Isang babae?" "Mukhang naliligaw ka ata Binibini, tumabi ka't sasayangin mo lang ang iyong buhay lalo na ang iyong kagandahan." Dagdag ng lalaking nagsisilbing pinuno ng tulisan. "Talaga ba?" Mataray akong ngumiti sa kanila habang mabilis na namuo ang ilang mapangwasak na enerhiya sa aking likuran. Para itong bala ng b***l na nagpatumba sa karamihan. Nagbigla ang kabilang panig, gano'on din ang panig ng Princepe. Lima agad ang napaslang ko mula sa atakeng iyon, masyado silang nagpakasiguro. "Pasensya na." Para akong baliw na tumawa upang mamula sa galit ang pinuno ng panig ng tulisan. "Masyadong malaki ang ulo mo para sa isang babae!" Mabilis siyang sumugod sa gawi ko ngunit mas mabilis ako sa kanya. Nagpalitan kami ng sipa ngunit mas nangingibabaw ang aking lakas upang tumilapon siya sa puno na nagpatumba dito. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong magamit ang kapangyarihan niya noong nakatayo na siya. Matulin ang paglaki ng enerhiya sa aking palad, direkta itong tumama sa mukha niya noong isinampal ko ito. Nawindang ako noong makitang humiwalay ang kanyang ulo sa kanyang katawan. Hindi ko alam kung masyado ba akong brutal o mahina lamang talaga sila? Talaga ngang nandito ako sa mababang uri ng planeta, ang aking normal na atake ay nakakamatay na sa kanila. Hinarap ko ang kalalakihang gulat na gulat sa mga pangyayari. Alam kong hindi nila aakalaing matatapos ang laban ng gano'on lang lalo na't isa akong babae. "Mayroon bang gustong sumunod sa inyong Pinuno?" Gaya ng inaasahan ko nagsitakbohan ang mahigit sampong kalakihan. Hindi naman sila sinundan ng kabilang panig dahil alam kong ayaw nila akong galitin. Humarap ako sa kanila upang muling tingnan ang mapang-akit na mukha ng Princepe. Handa na sana akong tumalon paalis ngunit sa malalim na boses ng Princepe parang nagapos ako. "Maari ko bang malaman ang iyong pangalan Binibini?" Ramdam ko ang sinceridad mula dito. Hindi ako tumugon at nagpatuloy. Kailangan ko ng bagong buhay, malayo sa mga maharlika. Kung i-ugnay ko ang sarili sa kanya maharil mararanasan ko naman ang aking naranasan noon, isa pa, naalala ko pamilya ko sa kanya. Tapos na ako sa kanila. Kailangan ko nang simpleng buhay kung saan pagmamahal ang haligi, hindi karangyaan na walang pagmamahalang umuusbong. "Ano ang iyong sadya sa amin Ineng?" Napatingin ako sa kung nasaan nanggaling ang boses. Sa sobrang okupado ng aking isipin hindi ko napansing pumasok na ako sa teritoryo ng iba. Isa itong umahan na maramimg kahayopan ngunit dalawang tao lang ang nandito. Isang matandang babae ang nakangiti sa akin habang kanyang matandang lalaking kasama ay may binubuhat patungo sa kanilang karwahi. "Saan patungong bayan?" "Patungo ka ba sa bayan?" Tanong ng matanda sa akin upang ako'y tumango, "Sumama kana sa amin, kami nama'y papunta doon." "Sigurado ho kayo?" "Alangan Ineng, halika. Medyo malayo pa ang bayan sa bukid namin, masasayang ang iyong ganda kung maglalakad ka ng gano'on kalayo." Nakangiting alok niya. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya, wala naman sigurong masamang balak sa akin ang matanda. Ayoko na ring maglakad, ito naman ang hiningi ko diba? Ang makasalamuha ang mga nilalang ng planetang ito. "Siya nga pala, ang aking pangalan ay Gina, maari mo akong Lola Gina. Ang aking asawang nagmamaneho naman ay si Noel." "Ako si Tri-," Napahinto ako. Ayokong gamiting muli ang pangalang iyon. "Ang pangalan ko ay Melissa pero tawagin niyo nalang akong Lisa." "Lisa? Napakapamilyar ng pangalan mo. Parang isang sikat na personalidad." "Parang gano'on na nga." "Kainin mo ito, isa iyan sa patok na prutas mula sa aming umahan." Inabot niya sa akin ang isang mansanas. Walang pag-alinlangan ko itong kinuha dahil nagugutom na din ako. "Kanina niyo pa ako tinititigan... Mayroon ba kayong balak sabihin?" "May laso iyang mansanas na ibinigay ko sayo." Hinintay niyang sumagot ako pero nagkatitigan lang kami, "Biro lang Ineng." Masayang tumawa ang matanda sa akin. Wala akong nagawa kundi umiling. "Pagpasensyahan mo na ang aking asawa Lisa, ganyan talaga yaan sa mga kabataan." Pagsingit ng kanyang asawa sa aming usapan. "Sa kasabihan nga, ang mga ibon ay lumilipad lamang kasama ang kanilang mga kauri. Kaya't kasama ko itong si Lisa!" "Nakikilipad ka lamang kay Lisa. Tandaan mo, hindi kana babalik sa iyong dating ganda Gina." Pang-aasar ng kanyang asawa. "Wala namang masama sa aking ginagawa." Napangiti ako. May kakaiba akong naramdam sa aking tyan na parang kung ano habang pinapanood ko silang magbangayan at magngitian. Hindi ko pa nakita si Ina at Ama na ganyang mag-usap, palagi silang pormal sa isa't-isa. Tumigil kami sa sentro ng bayan matapos ang ilang oras. Hindi man lang ako nakatulog dahil sa kadaldalan ni Lola Gina pero masaya naman ang bawat sandaling iyon. "Ano ba ang pakay mo sa syudad ng Vespral iha?" "Hindi ko rin alam." "Gano'on ba? Basta kung kailangan ng ng mapupuntahan, pumunta ka lamang sa aming bukid. Malugod ka naming tatanggapin." Bilin ng matanda sa akin upang medyo naantig ang puso ko. "M-maraming salamat." "Mauna na kami Lisa, marami pa kaming bibilhin ng Misis ko. Hanggang sa muli." Ngumiti ako sa kanila bago tuloyang nawala sa aking paningin ang karwahe. Naiwan ako sa magulong kalsada, hindi alam ng susunod na hakbang. Mukhang hindi magiging madali buhay ko dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD