Irregular#1
"Mahal na Princesang Trina ipinapatawag ang iyong presensya sa hapag-kainan ng Mahal na Hari." Magalang na sambit ng aking personal na bantay noong pinapasok ko siya sa aking silid.
"Sabihin mong hindi ako makakapunta."
"Ngunit importante ang araw na ito Mahal na Princesang Trina, ikadalawang po't isang kaarawan ngayon ni Princepe Mauro."
"May oras pa akong magpakita sa kanila mamayang gabi kung saan maraming bisita." Muling pagtangi ko.
"Pero utos talaga ng iy-."
"Dadalo ako, umalis kana."
Napabugtonghininga na lamang ako. Wala akong magagawa kundi sundin ang utos ni Ama. Makikita ko naman ang mukha ng Stellar na 'yon! Kailangan kong mag-ayos ng mabuti para kahit sa kagandahan ay may panglaban ako. Paniguradong sisirain niya naman araw ko.
Inihanda ko na sarili ko bago naglakad patungo sa hapag-kainan. Dala-dala ko ang aking blankong mukha, lahat ng tauhan sa aming tahanan ay yumuyuko sa akin ngunit halata ang kawalang galang nila sa akin. Walang magagawa ang mahinang tulad ko para mabago iyon.
Nadatnan ko silang kumpleto at ako na lamang ang hinihintay.
"Akala ko'y hindi ka darating, pinaghintay mo pa si Ina at Ama." Nakangiting sambit ni Stellar, ang isa sa aking nakakatandang kapatid.
Hindi ako tumugon at payapang umupo sa tabi niya. Hindi ko sila tiningnan, nanatili akong tahimik.
"Ngayong nandito na tayong lahat, maari na tayong kumain." Ibinaling ni Ama ang atensyon sa aking unahan, "Kumusta ang araw mo ngayon Mauro?"
Sumagot naman agad ang lalaking uhaw sa atensyon gaya ni Stellar, "Mabuti naman Ama, nakaganda ng aking gising ngayon!"
Itinuon ko nalang ang aking pansin sa pagkain, may importante pa aking gagawin mamaya. Kailangan kong magmadali para sa preparasyon. Hindi na ako umaasang bigyan pa nila ako ng pansin, sanay na ako. Nagpatuloy sila sa pag-uusap pero isang pagtawag ang humuli sa nangungulila kong kaluluwa.
"Ina, nais ko sa-."
"Gusto mo bang magpakita ngayong gabi sa celebrasyon, Anak?" Walang bahid na emosyon na tanong ni Ina sa akin. Anak? Nakakapanibago pakinggan.
"Gusto ko."
"Gusto mo talagang ipahiya sarili mo Trina? Paano kung may magtanong sayo ukol sa kapangyarihan mo? Madadamay ang ating pamilya!" Bulalas niya upang nasa kanya naman lahat ng atensyon sa hapag-kainan.
"Hindi naman ako magpapakitang gilas sa kanila."
"Hayaan mo siya sa gusto niya Stellar, hindi naman para sa kanya ang celebrasyon mamaya. Wala naman sigurong mag-abalang lumapit sa kanya." Dagdag ng lalaking espesyal ang araw ngayon, ang isa ko pang kapatid. Sige, pagtulongan niyo ako.
"Huwag kang mag-alala, hindi 'yon mangyayari, aking mahal na kapatid Stellar." Makahulugang ngiti ko sa kanya na alam kong
ikinainis niya.
Nagpatuloy sila na pagkwekwentohan at nauna na akong bumalik sa kwarto ng walang paalam. Wala namang may umangal, kahit ang pinakabunso naming lalaking si Eron ay walang pakialam sa akin. May kunting dignidad pa ako sa aking sarili na hindi magkaawa para lang sa pagmamahal nila.
Sa aking pagpasok sa kwarto, dumiretso agad ako sa sekretong lagusan patungo sa lihim na harden sa aking kwarto. Muli kong tiningnang mabuti ang kagamitan. Mukhang handa na ako, sapat na siguro ang isang supot ng dyamante upang mabuhay ako doon ng mapayapa. Kailangan ko nalang maghintay sa kagulohang magaganap ngayon gabi bago tuloyang umalis.
Lumipas ang oras napagpasyahan kong bumalik sa aking silid bago maghinala ang aking bantay na wala ako. Sakto sa aking pagbalik mayroong kumatok sa pinto. Pinagbuksan ko siya't bumungad siya sa aking dala-dala ang kasuotang aking gagamitin mamayang gabi.
"Mahal na Princesang Trina tayo'y maghanda na, ilang oras na lamang ang nalalabi bago magsidatingan ang mga panauhin."
"Gawin mo ang dapat mong gawin." Sagot ko at umupo sa bandang salamin.
"Masusunod, sisiguradohin kong ikaw ang pinakamagandang dilag mamaya Mahal na Princesa."
"Mas maganda pa kay Stellar?" Hindi siya nakasagot. Takot siyang malaman ito ni Stellar dahil alam niyang hindi lang siya mawawalan ng trabaho, kundi buhay na rin.
--
Malakas na sigawan ang nagaganap, maraming suot-suot ang kanilang magagarbong bistida ay hindi mapakali. Nagkakagulo ang lahat, tinupok ng apoy ang mga kagamitan sa pagsasalong nagaganap. Ilang bandido ang kasalukuyang naghahasik ng lagim, ginagamit ang kanilang kakayahan sa apoy upang mapadali ang kanilang trabaho.
"Mga gwardiya puksain ang apoy! Pigilan niyo ang mga bandido! Protektahan ang mga panauhin ng Mahal na Hari't Reyna!"
"Masusunod Punong Komandante Idois!" Sigaw pabalik ng isang guwardya.
"Ina! Ama! Bakit nagkaganito ang espesyal na araw ko?! Parusahan mo ang mga kawal ngayon din! Napakawalang kwenta nila!"
Parang musika ang mga salitang lumabas mula sa bibig ni Mauro habang naririnig ko ito, galit na galit siya.
"Hindi pa oras para dyan Mauro! Kailangan nating lisanin ang lugar na ito."
Sa gitna ng lahat ng ito, mabilis akong tumakbo pabalik sa aking silid upang gawin ang matagal ko nang binabalak. Kahit mabigat ang suot-suot ko ay nagagawa ko pa ring tumalon sa ilang bahaging kinakain ng apoy.
"Trinaaa! Anak! Nasaan ka?! Trina!" Pagtawag ng isang pamilyar na boses.
Tinatawag ako ni Ina. Napatigil ako. Hindi ko inaasahang magkakaroon siya ng malasakit at pag-alala sa akin sa mga ganitong sitwasyon. Sabagay anak niya parin ako pero hindi dapat ako madaling madala sa mga pagtawag niya. Kailangan kong magpatuloy.
Winaksi ko ang mga pagtawag ni Ina gaya ng paglimot nilang mahalin ako. Narating ko ang silid na hinihingal, agad akong pumasok sa lihim na silid. Una kong dinampot ang mapa't espesyal na holen na may kakayahang dalhin ako sa ibang mundo. Aksidente ko itong nakita sa silid ni Ama noong isang beses na nagtago ako mula kina Stellar.
Tinapon ko ang holen sa lupa na aking tinatapakan, may agad akong naramdamang malakas na enerhiyang lumabas mula doon. Unti-unting lumitaw ang kunting pagbasag sa aking unahan hanggang sa naging malaking bilog ito. Aking dinampot ang hinandang kong supot ng mahalagang kagamitan.
"Ito na Trina. Makakaalis kana sa tahanang hindi ka man lang tinuring na kapamilya. Malaya kana!"
Isang malakas na pagsigaw aking binibataw bago tumalon papasok sa portal. Nakaramdam ako ng kakaibang sensinasyon na parang nagpaikot-ikot ako sa isang kakaibang espasyo. Mas lalong umugong ang pagsigaw ko noong nakita ko nalang ang sarili kong nahuhulog sa himpapawid. Mabilis akong bumulusok paibaba na hindi alam ang gagawin.
"Ayoko pang mamataaay!"
Agad akong nag-ipon ng kulay berdeng pinaghalong asul na enerhiya sa aking palad habang naghihintay ng tamang pagkakataon. Delikado ang gagawin ko't walang kasigurohang hindi ako mapipilay sa balak kong gawin.
Noong malapit nang tumama ang katawan ko sa nagtataasang puno, pinakalawan ko ang enerhiyang naipon. Dahil doon natigil ang aking pagbulok pababa, nagpaikot-ikot ako sa himpapawid. Malakas na pagsabog ang naganap, ang enerhiyang mula doon ay naging sandalan ko. Ginamit ko ang aking talento sa pagbalansi kung kaya't nagamit ko ang natitirang punong nakatayo bilang pangkapit. Nakangiti akong tumayo sa sanga ng puno, tagumpay ako sa naging plano ko.
Hmmmm... Bakit parang lumakas ako? Hindi ko alam kung makakagawa kong gawin iyon sa aking planeta. Napanghinayang nga lang kailangan kong siraan ang maliit parte ng kagubatan na upang mailigtas lang ang buhay ko.
"Bakit pa ba kasi sa himpapawid ako lumabas! Kakadating ko palang nga!" Bulalas ko't biglang naramdamang may parang kulang. Sandali... ano ang nakaligtaan ko?
Ang supot na aking dala-dala ay nawawala! Nandoon pa naman ang kayamanang kailangan ko upang mabuhay sa mundong ito! Hindi ko nalang pinaglaan ito ng masyadong oras at pinagmasdan nalang ang magandang tanawin sa unahan.
"Mukhang wala akong magagawa, oras na para libotin ang planetang ito."