"Kamusta na kuya mo?"
Sinalubong ako ng tanong ni Coleen pagka upo ko sa upuan. Hinihingal pa ako dahil akala ko late na ako sa klase.
"Maayos naman, still under medication. Buti na lang binigyan mo ako ng raket, nakabili na ako ng additional medicines para kay kuya."
"Good to know. I really hope na gumaling na siya."
Tipid akong ngumiti. "Salamat."
Malaki ang nakuha kong bayad nung kumanta ako sa kasal at reception nang katrabaho ng pinsan ni Coleen.
Matapos nung event na yon ay wala na ulit kumukuha sa akin para kumanta.
Yung ibang kaklase ko naman ino-offer-an nila ako kumanta sa mga lamay. Kulang na lang talaga papatulan ko na, eh, kaso natatakot ako. Sa tuwing may nakikita akong lamay, naaalala ko sina papa at mama.
"Ms. Montenegro, are you listening?"
Nagulat ako sa prof ko na nakatayo na pala side ko.
"I'm sorry ma'am." umupo ako ng tuwid.
"Nagkukunwari ka lang palang may binabasa ngunit kung saan saan na napupunta ang isip mo! Kanina pa kita tinatawag."
I heard my classmates laugh. I bowed my head because of embarrassment.
"P-pasensya na po—"
Naglakad na ang prof namin papunta sa mesa niya na nasa harapan at hindi na ako hinayaan na magpaliwanag.
"I don't want to listen to your lame excuse! I don't tolerate students na may ganyang attitude!"
Naramdaman ko ang paghagod ni Coleen sa aking likod. Gusto ko ng umiyak ngunit pinipigilan ko lang.
"Don't mind that witch, besty. Kung umasta siya parang major subject yung tinuturo niya pero minor lang naman. Hmp! Matandang dalaga na rin kasi kaya mabilis na magalit. Ang hirap na patawanin ni ma'am." bulong niya sa akin na ikinatawa ko.
Somehow, gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Buong klase nung terror na teacher ay pinilit kong makinig hanggang sa matapos ito.
Naging maayos na man ang sumunod na klase namin. Nagkahiwalay lang kami ni Coleen sa last subject dahil mag-p-piano lesson na siya at ako naman ay voice lesson.
***
"Ginabi ka na naman sa pag-uwi! Yung trabaho mo dito hindi mo na nagagawa. Aba, anong inaakala mo libre ang pagtira mo dito?! Alalahanin mo, di porket kapatid ko ang tatay mo ay hahayaan na lang kitang tumira dito ng walang kapalit."
Akala ko makakaiwas na ako sa sermon pero di pa pala. Sinalubong ako ng talak ng auntie ko matapos akong mag mano. Kasalanan ko bang na traffic ako sa daan? At gets ko naman na lahat ng mga sinasabi niya, no need to remind me over and over again.
Pumanhik na ako sa taas at nagtungo sa kwarto ko. Hindi ko na pinansin ang iba pa niyang mga sinabi dahil naririndi na ako, parang sirang plaka.
Naligo na muna ako at pagkatapos ay nagbihis ng pambahay. I tied my hair para hindi sagabal sa mukha kung sisimulan ko na ang paglilinis.
"Hoy, hija! Bat ang tagal mo dyan sa taas? Hindi pa ako kumakain ng hapunan, magluluto ka pa!"
Sigaw ni auntie mula sa baba. Kung hindi ko lang talaga to kadugo at kung wala lang akong utang na loob sa kanya, matagal na akong lumayas dito.
"Pababa na po!" sigaw ko pabalik.
Nagmadali na akong bumaba at dumiretso na sa kusina. Hinanda ko na ang mga sangkap na lulutuin. Napansin ko naman si auntie na nanonood ng TV habang nakalagay ang paa sa maliit na mesa. Donyang donya ang ferson!
Mayamaya lang ay natapos ko na ang pagluluto at sunod kong inihanda ay ang paglagay ng plato at mga kubyertos sa mesa. Si auntie lang ang kakain, sa ilang taon ko ng nakatira dito matapos ma-ospital ni kuya ay hindi ko pa siya nakasabay kumain sa hapag.
Mas mabuti pang doon kumain sa cafeteria ng ospital kesa dito.
"Bilib lang din ako sayo, magaling ka sa gawaing bahay at masarap ka magluto, mag asawa ka na lang kaya?" Saad ni auntie Tes habang nagsasalin ng tubig sa baso. "Para naman may karamay ka na sa pag-aalaga at gastusin ng Kuya mo. Biruin mo kahit may scholarship ka na sa Northride ay namumulubi pa rin ako."
I rolled my eyes. Hindi na lang ako kumibo at pinagpatuloy ang paglalaba ng pinaglutuan.
Alas diyes na ng gabi at humingi na ako ng permiso kay auntie para puntahan na si kuya sa ospital. Natapos ko na rin naman gawin ang mga pinapa-utos niya.
"Sigi na, Lexi. Makakaalis ka na pero huwag mong kakalimutan na umuwi dito bukas dahil may lakad ako. Nakatambak na rin dyan ang mga marurumi kong damit, labhan mo yan." paalala ni auntie Tes.
"Opo, gagawin ko po yan." sagot ko na lang sa kanya at umalis na.
***
"Hello po ate Claire!" Bati ko sa nurse na naabutan ko sa loob ng room ni kuya na inaayos ang kumot..
Nakita kong gising si kuya kaya nilapitan ko siya. Nginitian naman niya ako.
“Kumusta ka na, bunso? Parang nangayayat ka, ah.” saad ni Kuya sa mahinang boses at medyo umubo ng konti.
Mabilis kaming nagkatinginan ni Ate Claire at saka ako tumingin sa gawi niya. “Diet kasi ako, Kuya.” I chuckled. “Ikaw dapat ang kumain ng marami para bumalik ang sigla mo. Nakapag dinner na ba siya, Ate?”
"Tapos na siyang kumain, Lexi. Pina-inom ko na rin siya ng gamot niya."
"Salamat po." nakangiti kong sagot sa kanya. "Ahm, pwede po bang pakibantay lang saglit ate? Bibili lang po ako ng pagkain sa baba? Para naman may pang mid night snack kami ni Kuya."
Sumilay ang tipid na ngiti sa kanyang labi. Laban lang, Kuya. Malalampasan din natin ang pagsubok na ‘to.
Ate Claire nodded and sat down on the chair beside my brother’s bed. "No worries. Ako na muna dito."
Hinawakan naman ako sa kamay ni kuya. Nang tingnan ko siya ay may luhang tumulo mula sa kanyang mata.
"S-sorry."
"Anong sorry ka dyan, Kuya. Huwag kang mag-alala, konti na lang at makakalabas ka na dito. Kaya patuloy mo lang ang pagpapalakas, okay? Akong bahala sayo." Kinindatan ko siya at hinalikan ang kanyang pisngi.
Paglabas ko ng room niya ay huminga ako ng malalim. Tiis lang muna tayo, Kuya.. Nagiging maganda naman ang resulta ng mga test mo, soon uuwi na rin tayo.
Bumili lang ako ng hotdog sandwich sa cafeteria. May dala naman akong tubig kaya okay na ito. Tumunog naman ang phone ko, pagtingin ko sa screen ay si Coleen ang tumatawag.
"Besty! May raket ba ulit?" bungad ko.
"Naku waley! Wala pang may gusto na magpatali!" Tumawa siya.
"So bakit ka tumawag?"
"Remember kuya Matt?"
"Yung pinsan mo?"
"Yap! He's there, dyan sa hospital kung saan naka-admit ang Kuya mo."
"Oh, tapos? May nangyari sa kanya?"
"I think so?" maarte niyang sagot. "Hindi ko na natanong nung tumawag siya, eh. Di ko rin naman maintindihan ang sinasabi niya dahil maingay dito sa bar, you know Friday madness since weekend naman."
"Eh, anong gusto mong gawin ko?"
"Samahan mo muna siya diyan? I'll be there in a few hours."
In a few hours?! May pasyente na nga akong binabantayan, may dadagdag pa?
"Wala ba siyang asawa, girlfriend or kapamilya man lang bukod sayo para samahan siya dito? Alam mo naman na may binabantayan rin ako."
"Nasa US yung parents niyan, then yung ibang relatives nasa province. He has a boyfriend pero LDR sila."
Nasamid ako sa narinig ko.
"Hey, are you okay?"
I didn't expect na pareho pala kami ng gusto. Sayang may itsura pa naman siya.
"O-okay lang, ahm, send mo na lang sa akin yung number niya ako na ang tatawag."
"Yey! I will, thank you besty! Kaya love kita, eh."
In-end ko na ang tawag at hinintay na i-forward niya sa akin ang number ng pinsan niya. While waiting ay pinagpatuloy ko na lang muna ang pagkain.
"Alexis?"
Inangat ko yung ulo ko. Masyado akong naging seryoso sa pagkain, hindi ko tuloy siya nabigyan ng pansin.
"K-kuya Matt!" I stuttered. Nakakahiya at ang awkward. "Tumawag si Coleen, she said na nandito ka raw."
I saw his left leg at may cast ito. "Napano po ang paa mo?"
"Nabagsakan ng hollow block, hindi kasi nag-iingat, eh." sabat nung lalaki na bagong dating at inakbayan pa si Kuya Matt.
It's him again.