PROLOGUE
This novel is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, organizations or persons, living or dead, is entirely coincidental and beyond the intent of either the author or publisher.
All rights reserved. Copyright © 2024
-------------------------------------------------------
"Hello besty! Where are you?"
"Hello? Hindi kita marinig, medyo choppy. Wait lang labas muna ako."
Maingat akong tumayo mula sa maliit na sofa at tinungo ang pintuan ng hospital room kung saan naka admit si Kuya. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at siniguradong walang ingay na maririnig bago lumabas ng kwarto dahil baka magising ang kapatid ko.
"Hello? Coleen, nandyan ka pa ba?" saad ko ng makalabas na ako. Lumayo pa ako ng konti upang makapagsalita ng maayos.
I heard her sigh before answering me. "Yeah, I'm still here. So where are you nga?" maarte niyang tanong sa akin..
"Nasa hospital ako at binabantayan si Kuya. You know, weekend ngayon." sumandal ako sa pader. "Bakit ka napatawag?"
"I called because I have a raket for you." halata sa boses niya ang excitement.
"Raket? Saan?" kuryoso kong tanong. Na excite rin ako sa sinabi ni Coleen. Ilang araw din akong walang extra income. Paubos na rin ang mga gamot ni kuya, kailangan ko ng bumili. Magandang balita talaga to.
"Sa‒" hindi na natuloy ni Coleen ang sasabihin dahil naputol na ang tawag. Pagtingin ko sa cellphone ko ay na dead battery na pala. Pinagpag ko yung cellphone sa palad ko at sinubukang buksan ngunit walang nangyari. I tried to remove the battery and put it back again, but it still won't open. Pinuntahan ko na lang muna ang nurse station at nakitawag.
"Hey, besty! Sorry namatay yung phone ko."
"Sinasabi ko sayo Lexi palitan mo na yang old phone mo, wala nang gumagamit ng cellphone na may keypad nagyon. Pinagtiyatiyagaan mo pa yan, gusto na ngang sumuko!"
I can already imagine her na magka salubong ang kilay at may lumalabas na usok sa ilong.
"Eh, alam mo naman na wala akong pambili. Imbes na sa phone ko gagamitin ang pera, sa pang gamot na lang ni kuya."
"I'm not telling you to buy with your own money. I have another phone here, hindi ko na nagagamit since I bought a new one. You can use it."
Wow! Flexing her richness. Ngunit kahit na mayaman siya ay pinili pa rin niya akong maging kaibigan kahit na isa lamang akong mahirap na nilalang. Nagpapasalamat talaga ako kay God dahil binigyan niya ako ng isang kaibigang masasandalan ko. Pero ayaw ko naman abusuhin ang kabaitan niya, nung time nga na nag offer siya na gusto niyang tumulong sa pagpapagamot kay kuya at iba pang gastos, tumanggi ako.
'Di porket mas maangat siya sa buhay ay mag t-take advantage na ako. Mayroon pa namang akong hiya at hangga't kumikita ako sa pa kanta kanta sa kasal ay kakayanin ko ang gastos sa hospital.
"Pero Col‒"
"No ifs! No buts! Ipapadala ko dyan sa driver namin ang phone, okay?"
"Coleen naman.."
Ayokong magkaroon ng utang na loob sa kanya.
"Oh, please Lexi. I know what you're thinking. There's no debt of gratitude here, aside from informing you sa mga raket, let me help you with this."
Ako naman ang napa buntong hininga. "Fine, fine! Kahit ilang beses pa siguro ako tumanggi, eh, magpupumilit ka pa rin."
Narinig ko ang pagtawa niya.. "Good! Anyways, about what I said earlier. Yung isang colleague kasi ng pinsan ko naghahanap ng singer sa kasal, then I told my cousin that I know someone who can sing in his colleague's wedding. I told him it was you and he said to contact you, tatawagin ko lang daw siya ulit if okay sayo. So what do you think? G na besty!"
Tatanggi pa ba ako? Sayang ang kikitain ko doon.
"Sure!"
"Perfect! I'll call my cousin na,” I felt her eagerness kahit na sa cellphone lang kami nag-uusap. “Hintayin mo na lang din dyan si Mang Edgar na dalhin ang phone. Bye besty! I'll hang up na, muah!"
***
[Wedding Day]
Kasama ko na ang piyanista, ang violinist at dalawang back up singers sa ikalawang palapag ng simbahan kung saan kami dapat pu-pwesto. Nagsisimula nang tumugtog ang piyanista at ang may hawak ng violin habang ako ay naghahanda na sa pagpasok ng bride, nauuna na ang mga kasali sa entourage na lumakad sa aisle.
"Huy, alam mo ba te? Yang bride na ikakasal ngayon, nag cheat pala yan sa dati niyang boyfriend, balita ko sikat at gwapo yung ex, eh, pero ang pinalitan ay itong groom niya ngayon." rinig kong kwento ng isang kasama kong singer sa katabi niya.
"Talaga ba? Balita ko rin buntis si ate girl."
"Oo! At ang nakabuntis ay walang iba kundi yang si groom. Isa pa, nasa iisang kompanya lang sila ng ex ni girl at ng husband to be. Tsk! Lakas pa ng loob nitong groom na imbitahan yung ex. Kakaloka!"
Nagbubulungan pa sila ng kung ano-ano, napa iling na lang ako. Ilang sandali pa ay bumukas na ang main door ng simbahan at nandoon na ang bride at naghahanda na para lumakad. Inihanda ko na rin ang sarili para kantahin ang favorite song ng couple na A Thousand Years by Christina Perri.
Heart beats fast
Colours and promises
How to be brave?
How can I love when I'm afraid to fall?
But watching you stand alone
All of my doubt
Suddenly goes away somehow
One step closer...
Tumigil ang bride sa gitna para salubungin siya ng mga magulang niya. Nakaramdam din naman ako ng pangungulila, buti pa siya kumpleto pa ang magulang niya sa kasal niya.
Matapos ilagay ang veil ng bride ay naglakad na sila patungo sa altar at sinalubong sila ng groom na kanina pa naiiyak pagkakita pa lang sa bride niya.
I have died everyday waiting for you
Darling, don't be afraid
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more
Nang matapos ang kasal sa simbahan ay dumiretso ako sa reception. Malaki-laki ang kikitain ko nito dahil package na pala ito. All thanks to my best friend Coleen. Habang naghihintay ako ng cue kung kailan kakanta ulit ay may naririnig na naman akong bulung-bulungan. Mga marites talaga!
"Uy, mars! Present talaga si ex!"
Nagtaas ako ng kilay. Tanga ba tong ex ng bride? Nagpunta pa talaga siya dito para saktan ang sarili niya? Kung ako pa sa kanya, hindi na ako mag a-aksaya ng oras para pumunta rito. Maghahanap na lang ako ng paraan para maka move-on.
"Miss Lexi, kanta ka na ulit." sabi sa akin ng event organizer nang lumapit siya sa may left side ko. Tumango ako at tumayo na para kumanta.
Nag s-slow dance ang groom at bride habang kumakanta ako, napansin ko yung isang guy na panay ang sulyap sa newlyweds. Maybe he's the ex, hmp! 'Di nagtagal ay lumipat sa akin ang tingin niya. Tinaasan ko siya ng kilay, he suddenly look confused on what I did. Pagkaraan ay nabaling ang atensyon niya sa isang lalaki na lumapit sa kanya.
The wedding reception has ended, pauwi na sana ako ng gulatin ako ni Coleen sa lobby ng hotel.
"Hi besty! Galing naman niyan kumanta, sana all!"
Tumawa ako ng mahina. "Sira! Wala ka naman kanina, paano mo naman nasabi?"
"Kailangan pa ba na may masabi? Gosh, you have that voice, Lexi!"
"Sira! Binobola mo na ako, bakit ka ba andito?" pag-iiba ko ng topic.
"I'm here to check on you and to make sure na mababayaran ka ng kumpleto ng pinsan ko." Tumingin siya sa likuran ko. "Speaking of the devil."
Lumingon ako at nakita ko ang dalawang lalaki na palapit sa amin. Coleen hugs the guy who has an average height and thin body, kumaway lang si besty doon sa isang lalaki na kasama ng pinsan niya. He's the one who I saw earlier watching his ex dancing to her new man.
In fairness naman, gwapo siya at matangkad. Based on his appearance, he has a toned body and fair complexion, naka classic fade haircut pa. Sa gandang lalaki niya, nakuha pa siyang lokohin ng babaeng yon!
The side of his lips rose as he caught me glancing at him. Aba! Akala niya siguro may crush ako sa kanya. Hinila ni Coleen yung pinsan niya papunta sa akin, sumunod naman sa kanila yung feeler.
"Kuya Matt, meet my best friend, Alexis Montenegro. Siya yung kumanta sa kasal kanina. Galing niya di ba?"
"Siya ba yon? Akala ko anghel, eh!"
Mag pinsan nga sila, parehong mambobola.
"By the way girls, I want you to meet my friend, Xavier Sean Salvacion,” pagpapakilala sa kanya ni Kuya Matt sabay akbay sa balikat nito. “Siya yung ex ng bride." dagdag pa niya at ngumisi.
Binatukan siya ng kaibigan niya at sinulyapan ako. Pagkatapos ay nilahad niya ang kanang kamay sa harap ko.
"Pagpasensyahan mo na ‘tong si Matt," Ngumiti siya but I just raised my eyebrows. "By the way, nice to meet you."
Tinignan ko lang yung kamay niya at para naman hindi ako sabihan na bastos ay kinamayan ko na lang siya. "Nice to meet you too, Kuya Xavier."
He looked shocked about what I said but I didn't care. Bahala siya!
"I'll go ahead. Hoping to see you again, Miss Lexi."
He just flashed his smile again, then walked away.