Nagising ako nang maramdaman ko na yumakap sa akin. Napatingin ako sa may side table ko kung nasaan ang alarm clock ko. Madilim ang loob ng kwarto ko at walang ilaw roon pero nakikita ko pa rin naman ang alarm clock dahil sa liwanag galing sa labas ng bahay. Nakabukas kasi ang kurtina ng sliding door ko sa may veranda kaya pumapasok ang liwanag mula sa labas ng kwarto ko. Nakita ko na alas tres pa lang ng madaling araw. Tumingin naman ako sa kabilang gilid ko kung nasaan ang taong nakayakap sa akin. Hinila niya ako papalapit sa kaniya at hinigpitan ang yakap sa akin. "Katatapos lang ng taping ninyo?" Tanong ko sa kaniya habang nakayakap sa akin si Crisler. "Oo, pagod na pagod ako," sabi niya habang nakapikit ang mga mata. Hinayaan ko na siya na magpahinga na muna. Isang taon na ang

