Four months later "Hi, ako ulit ito," sabi ko matapos ko malapag ang dala kong bulaklak sa puntod niya. "Kumusta ka na riyan? Sana masaya ka, apat na buwan na rin ang nakalipas," sabi ko habang nakatitig sa puntod niya. "Huwag kang mag-alala, maayos naman na ang lahat dito, okay na rin ang lahat, napatawad ka kita, namin. Hindi kita makakalimutan, salamat sa lahat ng memories natin," nakangiti kong sabi sa kaniya. Tinanggal ko ang mga dahon na kumakalat sa puntod niya. "Napadaan lang ako rito, at mukhang kagagaling lang din dito ng ibang barkada mo," sabi ko habang nakatingin sa bagong bulaklak din na nasa kabilang gilid. "Aalis na rin ako, babalik na lang ulit ako rito, at sasusunod siya naman mismo ang dadalaw sa iyo, alis na muna ako, pupuntahan ko pa siya," sabi ko sa kaniya.

