"Bakit nandito ka?" Tanong ko kay All.. Allen, hindi ko talaga maalala pangalan niya at wala rin akong pakialam sa kaniya. Pagkababa ko ay siya ang nakita ko at hindi si Ciara. "Ako muna pansamatalang magbabantay sa iyo," seryosong sagot niya sa akin. "Pansamantalang magbabantay?" Tanong ko sa kaniya. "Hindi mo ba alam na trending kayo ni Ciara ngayon?" Nakakunot noo na tanong niya sa akin. "Anong pinagsasabi mo? Umalis ka na rito sa bahay namin, si Ciara ang gusto ko," sabi ko napataas naman ang kilay niya sa akin. "I mean siya ang gusto ko magbantay sa akin! May tiwala ako sa kaniya!" "Hindi pwede, ako muna ang magbabantay sa iyo, tara na," sabi niya sa akin bago siya naunang maglakad palabas ng bahay namin. Kunot noo naman akong sumunod sa kaniya. Pinagbuksan niya pa ako ng ko

