"Oo, girlfriend ko, future Mrs. Canaleja rin!" Mabilis naman akong napatingin kay Crisler dahil sa sinabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa balikat ko at mabilis na pinilipit ko iyon. "Oh, sh*t! Babe, masakit!" Sigaw niya. "Anong sabi mo?" Asar na tanong ko. Narinig ko naman ang mga tawanan ng mga kasamahan ko, mukhang aliw na aliw pa sila sa amin ni Crisler. "Babe?" Patanong na sagot niya, mas diniinan ko naman ang pagkapilipit sa braso niya "Ano?" Nanggigil na tanong ko. "Anong kaguluhan ito?" Mabilis naman aking napabitaw kay Crisler at tumayo ng tuwid ang mga kasamahan ko namang pulis ay tumigil din sa mga hagikhikan nila at sabay-sabay kaming sumaludo. "Wala po, Chief!" Sagot ko matapos kong sumaludo. Napatingin naman si Papa kay Crisler na nakaupo sa tabi ko. Ma

