bc

Us against the World

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
forbidden
love-triangle
family
drama
tragedy
sweet
lighthearted
serious
campus
small town
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

There was a girl named Serene who is popular in their school, she always caught the attention she wanted. And in the other half, there was a girl named Yuki, she's just a nobody in their school. But what if their paths crossed? Will it change their status in life?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Yuki POV Inis kong nilingon ang kaibigan kong si Eros matapos nitong agawin ang libro na binabasa ko. "What?! Ano bang problema mo?" singhal ko. Pero sa halip na sumagot ay tumawa lang ito. "Kanina pa kong imik nang imik di mo 'ko pinapansin." aniya. "Ano ka ba? Alam mo namang kailangan kong mag review sa subject na 'yan. Alam mo namang mainit ang dugo sa'kin ng matandang prof na'tin." bulyaw ko saka inagaw muli ang libro ko. Kung hindi ko kasi ito aarilin ay babagsak na talaga ako sa subject ni sir Goryo. Ilang meeting na rin kasi namin ang wala ako sa sarili, kaya ultimong sa recitation ay hindi ako makasagot sa mga tanong niya. "Tingin mo muna kasi kung sino 'yung nakikita ko." aniya na animoy kinikilig pa. Dahil na curious ako ay agad kong nilingon iyon. It's Serene. Ang ultimate crush ni Eros. Napairap ako ng muli akong magbalik ng tingin kay Eros. Para kasi siyang baliw sa pagkakangiti nito. "Oh 'e 'di sana'ol may inspirasyon." sabi ko saka humigop ng kape na nasa harapan ko. Natawa naman ito. "Hay naku! Dapat kasi naghahanap ka na, marami akong kilala. Gusto mo pakilala kita?" aniya habang tumataas pa ang kilay. Sa inis ko ay ibinato ko sa kan'ya ang libro na hawak ko. "Aray naman! Binibiro ka lang 'e." ungot niya matapos tamaan sa mukha. "Ako talaga, Eros. Tigil tigilan mo 'ko, ha? Mabuti sana kung maayos nirereto mo sa'kin, 'e, 'no? Kaso hindi." inis kong sabi. "Bakit? Ayos naman si Manong Rico, ah?" pang aasar pa nito. Sa inis ko ay tumayo ako saka nagsimulang paglakad palayo. "Hoy! Joke lang 'e, 'di ka naman mabiro!" habol nito sa akin. Nakakainis talaga siya. Anong maayos sa nirereto niya? 'E halos 'di na nga makalakad ng maayos 'yung hardinero nila na si Mang Rico, 'e. Tapos may asawa't anak pa. Ano? Sa ganda kong 'to magiging kabit lang ako ng isang matanda? Mabuti sana kung mayaman 'di ba? Why not? Tss. "Bwisit ka talaga, Madrigal!" Sa pagmamadali ko sa pag lalakad para di ako makaabutan ni Eros ay hindi ko inaasahan ang biglang pag salubong sa akin ng babae. May dala itong pagkain at sa kasamaang palad ay tumilapon iyon sa uniform ko. Dahilan para makaagaw kami ng atensyon ng mga estudyanteng nakakita sa nangyari. "F*ck!" gulat kong tiningnan ang uniform ko. Napakarami ng natapon sa akin at ang masama don ay spaghetti iyon, kaya naman kitang kita sa uniform ko iyon. "Oh my g! I'm so sorry, hindi ko sinasadya." inis kong nilingon kung sino iyon, pero sa halip na lalong mainis ay nakaramdaman ako ng hiya ng makita siya. "Let me wipe it." aniya saka tarantang pinunasan ng panyo ang damit ko. Agad ko iyong inalis ang kamay nito na nasa parteng dibdib ko ng maramdaman ang init sa katawan ko. Sa sandaling iyon ay nanatiling tikom ang bibig ko. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Wala akong pinakitang emosyon sa kan'ya, nanatiling blangko ang paningin ko. Nang magkaroom ng lakas ng loob ay binabuti kong umalis na sa lugar na iyon. Ngunit bago umalis ay sinadya kong linungin pa ito ng isa pang beses saka siya inismiran. Nagulat naman ito sa ginawa ko. Pansin ko ang paghabol tingin sa akin ng mga estudyante doon, siguro ay dahil iyon sa naging eksena sa cafeteria. Sikat kasi na tao ang nakabangga sa akin kaya alam kong magiging issue iyon kung hindi ko pinalagpas ang pangyayaring iyon. Nang makarating ng washroom ay agad akong nagkalkal ng damit sa bag ko. Luckily ay nakapagdala ako ng jacket, kaya iyon na lang ang sinuot ko. Wala sa sariling napatitig ako sa salamin na nasa harap ng lababo ng washroom. Muli ay naalala ko ang pangyayaring iyon sa cafeteria. Napakalaki ng impact niyon sa akin. I'm just a nobody, and she is popular. Hindi ko alam kung ano at paano ang magiging takbo ng buhay ko gayung ito ang unang beses na may nakapansin sa'kin at sa ganong paraan pa. Sana ay hindi nila maalala na ako 'yun. Nang matapos mag palit ay nilagay ko ang uniform ko sa locker ko. Sinubukan kong alisin ang mantsa niyon, pero masyado iyon marami kaya naman may mga natira pa. Nakayuko akong naglalakad patungo sa room ko. Hanggang ngayon kasi ay nahihiya ako sa nangyari. Ayokong maging katawa tawa sa harap ng kahit na sino. Nang makarating sa harap ng pinto ng room ay nakita ko doon si sir. Goryo. Gusto kong umalis na lang ng lingunin ako nito, masesermonan na naman kasi ako nito dahil late na 'ko sa subject niya. "Miss. Alvarez." tono at ngiti pa lang nito ay alam ko na ang kasunod na mangyayari. "Kamusta ang spaghetti? Masarap ba?" nang aasar na aniya dahilan para umingay ang buong classroom dahil sa bungisngisan ng mga kaklase ko. I knew it! Hindi ako umimik at nanatiling nakatayo sa pinto. "Remove your jacket and proceed to your seat." seryosong aniya. Nag angat ako ng tingin dito. "I'm sorry, sir but I cannot remove my jacket. I'm not wearing any clothes." sagot ko saka nagpatuloy sa upuan ko, saka kinuha ang notes at ballpen ko. "Why? Hindi mo ba nagustuhan ang spaghetti na binigay sa'yo ni Miss. Calistre?" natatawang aniya. Sa inis ko ay halos maputol ko na ang ballpen na hawak ko, mabuti na lang at nandyan si Eros para pigilan ako. "Just calm down." bulong nito. Saka pilit inagaw sa akin ang ballpen ko. Hindi ko alam kung anong ginawa ko at napakalaki ng galit sa akin ng matandang 'to. I was just distracted lately, kaya madalas akong late at halos hindi makasabay sa klase niya. Hindi ko naman ginusto na magkasakit si Yuna, nakababata kong kapatid. She's suffering from leukemia, hindi ko alam kung bakit siya pa, kung pwede namang ako na lang sana. Marami pa siyang hindi nararanasan, she's just 13 years old for God sake. Nakalabas naman na siya ng ospital at tuloy tuloy ang treatment sa kan'ya. As long as nakakainom siya ng medicine niya, magiging okay siya. Naniniwala ako na kaya niya. Nang matapos ang klase ay humiwalay na ako kay Eros. Malamang kasi ay magba basketball pa siya bago umuwi. Hindi naman kami magkapit bahay pero iisang lang ang daan namin pauwi. Mas malapit nga lang ang akin kaya hinahatid niya na muna ako bago siya tuluyang umuwi, pero ngayon ay hindi ako sumabay sa kan'ya, may dala rin kasi ako ngayon na sarili kong sasakyan. Nakatambay lang ako sa parking lot habang nakasandal sa hood ng kotse ko. Nag iisip pa kasi ako kung saan ako pwedeng pumunta. Ayoko pa rin kasing umuwi dahil wala naman akong gagawin don. Ngayon kasi ay si mom and dad ang nagbabantay kay Yuna. Well, tama lang rin naman 'yun. They're both doctors, dapat lang na alagaan nila si Yuna. They are so busy at sobrang laki ng tampo ko sa kanila. Sa mga taon kasi na nagkakaisip na 'ko ay puro kasambay namin ang kasama ko. "Hi," nagulat ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Serene. Hindi ko nagawang sumagot ng tuluyan itong lumapit sa akin. "I just wanted to apologize for what happened earlier, I'm sorry. Hindi ko talaga sinasadya—" "No, it's okay just don't bother me, again." putol ko saka siya tinalikuran. "Yuki." natigilan ako ng tawagin nito ang pangalan ko. "How did you know my name?" tanong ko. Ngumiti ito. "Connections, maybe?" nagtataka rin kunwaring aniya. Hinarap ko ito saka tinitigan. Napakaganda niya, hindi ko akalain na makakaharap ko siya ng ganito kalapit ni isang beses sa buhay ko. "I forgave you, so please, leave me alone." seryosong sabi ko. "But at least let me treat you to a coffee?" aniya, nakangiti. "No thanks." maikling sagot ko saka sumakay ng kotse. Nang makasakay ay saka ko naramdaman ang mabilis na pintig ng puso ko. Sa halip ay hindi ko napigilan ang mapikit sa sandaling iyon. Alam ko sa sarili ko at hindi ko gustong itanggi na gusto ko si Serene. Pero mali ito. Maling mali. Eros is in love with that girl. Alam ko na kapag nakapasok si Eros sa varsity ng school ay liligawan niya si Serene. Gwapo si Eros, mabait, matalino. Siya 'yung tipo ng lalaki na gugustuhin ng maraming babae, maliban na lang sa akin. Babae rin kasi ang gusto ko. Natagpuan ko ang sarili ko na nakatayo sa harap ng isang bar, di kalayuan sa campus ng school ko. "Isang whiskey," sabi ko sa bartender. Agad naman iyong inabot sa akin. I feel so empty. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. I feel embarrassed na na in love ako sa babaeng alam ko sa sarili kong mahal din ng kaibigan ko. I know I had no chance with Serene. Pero sa pagkakataong ito ay pakiramamdam ko'y traydor akong kaibigan. Hindi ko alam kung nakailang baso na 'ko ng whiskey. Ramdam ko rin kasing nahihilo na 'ko. "Yuki!" hindi ko magawang makita ang babaeng tumawag sa akin. Sobrang nahihilo na talaga ako at anytime ay pakiramadam ko'y bibigay na 'ko. "Mag isa ka lang?" aniya. "Yeah." natatawang sagot ko. "Why?" puno ng kuryusidad nitong tanong. Muli akong natawa dahil don. "Traydor ako, 'e." sabi ko. Hindi ito umimik. "I badly want to date someone." pagpapatuloy ko. "And?" sa tono niya ay alam kong nakakunot ang noo niya. Muli akong uminom ng whiskey saka humarap sa kan'ya. Hindi ko siya maaninag pero alam kong pamilyar ang mukha niya. "Di pwede," mapait akong ngumiti saka muling humarap sa baso na hawak ko. "gusto siya ng kaibigan ko." ramdam ko ang pagpatak ng luha ko pero sadyang wala akong pakialam doon. "Si Eros?" hindi na ako nagulat ng itanong niya iyon. Karamihan kasi ng tao dito ay schoolmate lang namin. Medyo kilala na rin kasi si Eros, simula kasi nung nag audition ito para sa pagiging varsity player ay marami na ring nakapansin sa kaniya. Tss. Ang gwapo kaya niya, paanong 'di s'ya mapapansin "So sho's the lucky girl?" aniya. "It's Serene." malungkot kong sabi. "Swerte nga." aniya. "Serene!" maya maya ay rinig kong sigaw ng isang babae. Serene? She's here, too? "Gonna go, tawag na 'ko, 'e." aniya, saka tinapik ang balikat ko bago tuluyang umalis. "What?! Serene?!" Si Serene ang babaeng kausap ko? to be continued..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAYAW

read
82.0K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

NINONG III

read
416.7K
bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
54.7K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
56.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook