Dinala ako ni Marcus sa kanyang condo. Nung una ay nagdadalawang isip ako na bumaba ng kanyang kotse. Hindi ko alam ang nasa isip ni Marcus. Walang ibang tao sa condo nya. Hindi ko alam pero may bumabagabag sa aking puso. "Halika na. Don't worry magiging behave ako." Pilyong sabi ni Marcus. Bahagya naman akong nakaramdam ng payapang kalooban sa kanyang mga sinabi. Mabait sa akin si Marcus at wala akong dapat ikabahala pa. Bumulaga sa akin ang napakagara nyang condo. Kumpleto sa mamahaling gamit ang condo nya. Saglit syang pumasok sa kanyang kwarto at paglabas nya ay may dala na syang bagong tuwalya, isang white t-shirt at jersey short. Iniabot nya sa akin ang mga ito. "Magshower ka muna. Nadumihan ka masyado dahil sa ginawa nila" malambing na sabi nya sa akin. Matipid ang ngiti ko

