"Baka nga?.. siguro nga may parte sa puso ko na nahihiya? Masarap sa pakiramdam na si Marcus ang kasama ko kasi nasa kanya na ang lahat. Kailangan ko sya para hindi na ako apihin ng iba.... Pero kaibigan lang ang tingin ko sa kanya... Masaya ako kapag kasama ko sya dahil naipagmamayabang ko sya sa iba." Pagbubulgar ko kay Gabriel. Nakita ko ang kanyang mga kamay na mahigpit na kumapit sa manibela. Ang kanyang panga ay bahagyang nanginginig. Galit na galit sya sa aking sinabi. Ito ang Gabriel na kinatatakutan ko. Ito na ang araw na kinatatakutan kong mangyari. Ang kamuhian nya ako. "At.. ako? Ano naman ako sayo? Nahihiya ka dahil hardinero nyo lang ako? Nahihiya ka sa katayuan ko?" Tanong nya. Nangingilid na rin ang mga luha sa kanyang mga mata. Para bang ang bigat bigat sa kanya ng la

