Lumipas nga ang dalawang linggo ay agad kong nakalimutan ang nakakakilabot na karanasan ko sa lihim na silid na iyon. Sinubsob ko na lang ang aking sarili sa pagtatrabaho para hindi na magalit pa sa akin si Madam Bella. Unti unti ko namang nakukuha ang loob ni Madam. Sabi ko na nga ba at may mabuti din naman itong puso.
Pero minsan hindi pa rin maiiwasan na ako'y pagalitan. Parte lang naman iyon ng aking trabaho. Mas tumitibay ako at natuto sa tuwing itinatama ni Madam ang mga pagkakamaling nagagawa ko. Hindi na ako ganun katakot sa kanya. Nasanay na din ako sa matining nyang boses.
Habang ako ay nagmomop sa sala ng mansyon ay may isang napakagandang babae ang tuloy tuloy na pumasok sa loob. Nagulat ako dahil nakaismid ang kanyang mukha sa akin. At maya maya pa ay.
"Sebs!" Pagtawag nito.
Hindi ko alam kung sino ang kanyang hinahanap. Pero nanliit ako sa itsura ng babaeng iyon. Mayroon syang makintab at mahabang buhok, ang mukha nya ay parang manika sa liit. Napakaganda ng kanyang mga mata at kilay. Sobrang tangos na ilong at makipot na mga labi na pagkapula pula. Walang wala ang aking itsura sa kanya.
"Ano ba at nagsisigaw ka jan?" Galit na sabi ni Lola na galing sa kusina.
Agad na umamo ang mukha ng babaeng iyon. At humalik kay Madam. Malaki ang paggalang nya kay Madam.
"I'm looking for my baby Sebs. Where is he?" Malanding sabi nito
Natigil ako sa aking ginagawa dahil sa pagtingin ko sa sopistikadang babae na iyon. Hinahanap nya daw ba si Sebs? Sino ba ito? Si Gabriel Sebastian? Kabado ko pa ulit na tinignan ang babaeng nasa aking harapan. Sino ba sya? Maya maya pa ay pumasok si Gabriel mula sa hardin. Kakatapos lang nito maglinis ng hardin. Pawisan ito at kitang kita ang kakisigan sa suot na white sando na nadumihan ng putik.
Parang nandiri ang itsura ng babae sa kanya.
"Oh my God Baby. Ano ba yan?" Pandidiring sabi nito
Napataas ng kilay si Madam. At lumapit sa babaeng iyon. Tinignan nya ito ng masama. Pinaikutan nya ito ng lakad.
"Baka nakakalimutan mong hardinero lang ang boyfriend mo kaya ganyan ang itsura nya" mataas na tono na sabi nito.
Napalunok ang babae at parang napahiya. Hinagod nya ang mahaba nyang buhok.
"Ah, ok. So are you done?" Tanong nito kay Gabriel.
Nagpunas ng kanyang pawis si Gabriel at agad na lumapit sa babaeng mataray. Napaurong naman ako sa may gilid dahil pakiramdam ko ay ayaw ng babaeng ito ang aking presensya. Wala akong magagawa kung napako na ang mga paa ko sa lugar na iyon.
"I'm sorry babe. Tawagan na lang kita" sabi nito sa babae.
Kitang kita ko na hinalikan nya ang babaeng iyon sa aming harapan ni Madam. Sa mismong aking harapan. Napakalagkit ng halik na ibinigay nya sa babae na sana ay ako ang nasa posisyon nya. May kung anong kumurot sa aking puso ng masaksihan ko ito. Pilit ko na lang iniwas ang aking tingin sa kanila. Ang sakit sakit na kasi.
Nagulat na lamang ako ng itulak sya ng babae. Parang galit ito? Aba at nagalit pa sya sa halik ni Gabriel. Kung ako ang hinalikan nya ay baka malunod na ang puso ko sa tuwa.
"I hate you Sebs" sigaw nito sabay talikod na sa amin at padabog na umalis. Ni hindi man lang nya ulit nilingon si Gabriel.
Sa puntong iyon pa lamang ako nakaalis sa aking kinatatayuan. Pero agad akong nanigas ng tignan ako ni Gabriel. Para bang may gusto syang ipaliwanag. Pero isang mataray na irap din ang ibinigay ko sa kanya. Naiinis ako dahil may girlfriend na pala sya. Sinaktan nya ako. Buong buhay ko ngayon ko lang to naramdaman. Ayoko na sayo Gabriel.
Padabog ko ding kinuha ang mga gamit ko sa panlinis at ang iba ay naglaglagan na nga dahil sa pinapakita kong pag iinarte. Kaya agad naman akong tinulungan ni Gabriel.
Tinatawanan nya ako habang pinupulot nya ang aking mop. Nakaismid pa rin ako sa kanya.
"Bakit ka tumatawa?" Mataray kong tanong
Kinurot nya ang ilong ko na lalong nagpasabog ng inis ko sa kanya.
"Hindi bagay sayo Baby Girl." Sabi pa nito
Napanguso ako sa kanya at tinalikuran ko din sya.
Ang sakit talaga. Ngayon ko lang to naramdaman buong buhay ko. Yung parang may tumutusok sa puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya. Bakit hindi nya sinabi na may girlfriend na pala sya. Para sana hindi ko na sya naging crush.
Hindi ko namalayan na sinundan pala ako ni Gabriel sa aking kwarto. Nakasandal sya sa may hamba ng pinto at nakaekis ang kanyang kamay sa dibdib. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagpunta lang naman ako ng kwarto para maglabas ng sama ng loob at ngayon ay kailangan kong tapusin ang mga naiwan kong gawain sa labas. Pero paano ako makakalabas ng kwarto kung nakabantay sya sa may pinto.
"Ano ba ang nagyayari sayo?" Nakangiti nitong tanong sa akin. Nakatitig sya sa akin na para bang gusto nya hagilapin agad ang sagot.
"W-wala ah. Ok lang naman ako." Sabi ko sa kanya .
Tumayo ako at nilakasan ko ang loob ko na lagpasan sya.
Pero makipot na ang daan palabas ng pinto dahil nga nakaharang na sya doon. May pilyo lang syang ngiti sa akin at mukhang walang balak umalis.
Napapikit ako at dumerecho ng lakad palabas ng pinto. Pero napahinto ako dahil tumama ang aking baba sa kanyang braso. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi nakaalis sa pwestong iyon. Kinabig nya palapit sa kanya ang aking bewang. Lalo tuloy nagtama ang aming mga mukha.
"Promise hihintayin kita. Mag-hihintay ako sayo hanggang dumating yung tamang panahon. Sa ngayon. Mag enjoy ka muna kung ano ang nararamdaman mo. Nandito lang ako palagi." Sabi nito sa akin.
Nagtataka pa rin akong nakatingin sa kanya. Ibig sabihin ba nito ay gusto nya rin ako? Dahil napakabata ko pa kaya hindi pa pwede ngayon? At buong puso syang maghihintay sa akin. Ibig sabihin pareho kami ng nararamdaman? Biglang sumaya ang puso ko.
Dahan dahan akong binitiwan ni Gabriel at binigyan ng isang matamis na halik ang aking noo. Napapikit ako at dinama ang init ng kanyang labi sa aking noo. Ngumiti sya sa akin at saka umalis.
Naiwan akong nakatulala at hindi makapaniwala. Mayroon na kaming pagkakaunawaan ni Gabriel pero hindi pa sa ngayon dahil napakabata ko pa. Ang saya saya ko. Ngayon ay may dahilan na talaga akong magsipag pa sa aking trabaho.
Bigla akong nataranta sa sigaw ni madam.
"Anna. Halika dito"
Agad akong napabalikwas ng takbo papunta kay Madam.
"Po. Madam" sagot ko.
"Kumain muna tayo. Ipinagluto tayo ni Gabriel" sabi nito.
Marahan akong umupo sa silya at sa hapag ay magkakasalo kaming kumain. Nagluto sya ng Adobong manok. Wow. Favorite ko ito. Ang galing talaga nya. Lahat ng gawain ay alam nya. Pinagsandukan nya ako ng kanin at ulam. Hindi nya ako hinayaang gumalaw. Mayroon na rin akong isang baso ng juice. Ang sarap naman nyang mag-alaga.
Masaya kaming kumain. Hindi naman maiwasan na magkwentuhan habang kami ay kumakain. Si Madam Bella kasi ay parang mamamatay kapag hindi nagsasalita.
"Ano ba yung Katrina na yun at nagwawala kanina? Napakaeskandalosa" sabi ni Madam.
Natawa lang si Gabriel sa sinabi ng matanda sabay subo ng kanin na may adobo.
"Hayaan nyo La, hindi nyo na sya makikita pa dito." Sabi ni Gabriel.
Napatingin si Madam sa kanya.
"Ay pano? Eh nobya mo yun di ba? Hindi mo mapipigilan yun?" Sabi naman ni Madam
"Nakipahiwalay na ako kanina nung tinawagan ko sya" casual lang na sabi nito.
Sa sinabi nyang iyon ay pumalakpak ang aking tenga. Pero wala man lang syang reaksyon. Parang normal lang sa kanya ang pakikipaghiwalay. Baka dahil hindi nya ito ganun kamahal? Ganun ba iyon? Pero nangiti ako sa ibinunyag nya sa amin. Nakipaghiwalay ba sya dahil mayroon na kaming pagkakaunawaan at maghihintay na lamang sya sa akin. Napakaromantiko naman.
Sa kagwapuhan nyang taglay hindi na ako magtataka na makakuha sya ng ganung klaseng babae. Maganda at napakasexy. Marahil ay nakilala nya rin yun dahil sa mga kaibigan nyang mayayaman. Pero parang wala naman sa kanya ang babaeng ito. Parang hindi matibay ang pinagsamahan nila. Parang walang pagmamahal.
Agad nya ako tinapunan ng tingin at buong pusong ngumiti. Nag init ang mga pisngi ko. Hindi ko na mapigilan ang puso ko sa pagtalon.
Nang gabing yun buong magdamag ko syang inisip. Hindi ako makatulog. Hawak ko ang unan ko at panay ang yakap dito. Hindi ko mapigilan ang kilig ko. Si Gabriel ang first crush ko. Sya na rin ang first love ko. Ang sarap naman mainlove.
Dahil linggo naman bukas at pahinga namin ay ayos lang kahit mapuyat ako. Siguro sa tantiya ko ay mga alas tres na ng madaling araw ako dinapuan ng antok.
Kinaumagahan ay binulabog ako ni Madam sa aking kwarto. Natataranta syang ginising ako. "Anna, bangon na muna dyan! Bilisan mo" Natataranta pa din nitong sigaw.
Naalimpungatan ako at napabangon. Ang buong akala ko ay may sunog o magnanakaw na nakapasok kaya kinabahan ako. Hawak ko ang bag ko at aktong lalabas na ako ng kwarto. Kailangan kong maisalba ito dahil nandito ang aking ipon. Nang biglang..
"Ano ba ang ginagawa mo? Bitawan mo ang bag na yan. Heto oh kakausapin ka ni Sir Montenegro" sabi ni Madam habang iniaabot nya sa akin ang cellphone.
Mas lalong bumilog ang mga mata ko at mas lalo akong kinabahan nang malaman na kakausapin daw ako ng may ari ng palasyo na ito na syang tumanggap sa akin? Pero bakit? Ano ang nagawa ko?
" kausapin mo na dali" galit na utos ni Madam.
Agad kong kinuha ang cellphone at napalunok pa ako bago magsalita.
"H-Hello po S-sir bakit po?" Halos mabulol kong sabi.
Tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang boses ni Sir Fernando Montenegro. Hindi naman siguro ako nananaginip. Kausap ko ngayon ang pinakamayaman na tao sa buong bansa. Para akong lumulutang sa ulap. Hindi ako mapakali kung ano ba ang sasabihin o ibabalita nya sa akin.