Chapter 7

1952 Words
"Hello Anna" isang malalim at malaking boses ng matandang lalaki ang narinig ko mula sa kabilang linya. Lalo akong kinabahan dahil ang boses nya ay para bang kayang kaya magpasunod ng mga tao. "O-opo S-sir ano po yun?" Wala na akong ibang naisip na sabihan pa. Halos mabuhol pa ang dila ko sa pagsasalita. "Mayroon akong importanteng sasabihin sayo Anna" balita nito. Napatingin ako kay Madam. Nagdulot ito ng malaking takot at kaba sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa kanyang sasabihin. Napakapit ako sa suot kong t-shirt at hinintay na lamang ang bawat katagang sasabihin nya. Bahagya pa akong napapapikit dahil baka hindi ko kayanin ang matutuklasan ko. "Anna, nais ka naming ampunin ng aking asawa. Wala kaming naging anak kaya naisipan na lang namin na ampunin ka" bungad ni Mr. Montenegro Sa puntong ito ay biglang namilog ang mga mata ko sa aking narinig. Hindi naman yata ito isang panaginip. Gusto akong ampunin ng pinakamayamang tao sa mundo? Magiging mayaman na ako? Magiging prinsesa? "P-po? Pero paano po ito nangyari?" Yan ang naging tanong ko kay Mr. Montenegro Rinig na rinig ko ang malakas na tawa nya. "Hindi mo ba nagustuhan Anna. Lagi kang ibinabalita sa amin ni Manang Bella. Kung gaano ka kasipag at isa ka daw mabait na bata. Kaya naisip namin na ikaw na lang ang aming ampunin" sabi pa nito. Napalingon ako kay Madam. Hindi ko namalayan na naabot ko pala ang mga balikat ni Madam at niyakap ko sya ng mahigpit. Umagos din ang luha na kanina pa gustong lumabas. "Salamat po. Maraming salamat po" ito lang ang tanging nasabi ko kay Mr. Montenegro habang yakap yakap ko si Madam. Marahan ding hinagod ni Madam ang aking likuran upang akoy pakalmahin. Ibinigay ko na ang cellphone kay Madam at sila na ang nag-usap ni Mr. Montenegro. Naiwan akong mag-isa sa kwarto na puno ng pagkabigla sa puso. Puno rin ng kasiyahan at kasabikan ang nararamdaman ko. Magiging Montenegro ako? Ang pangarap kong magkaroon ng magandang buhay ay abot kamay ko na. Sa isang iglap lang ay makukuha ko na. Makakapag aral na din ako sa wakas. Napahiga ako sa kama at ang dami ko pang naiisip. Mga pangarap ko na pwede ko nang gawin kapag mayaman na ako. Ang saya saya ko. Ang saya sayang maging sobrang yaman kahit nasa isip ko pa lamang ito. Ilang oras pa akong nanatili sa aking kwarto. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari sa aking buhay. Maya maya pa. "Anna. Halika na at mag-almusal ka na" pagtawag ni Madam. Masaya akong bumangon. Walang pagsidlan ang saya sa aking puso. Pagpunta ko sa kusina ay nagulat ako dahil wala sila doon. Wala din ang almusal. Saan ba sila nagpunta? Sabi nila ay kakain na daw. Nagulat ako ng may biglang humawak sa aking kamay. Mainit at malaki ang mga palad na yun. "Gabriel" gulat na sabi ko paglingon ko sa aking likuran. Bahagya pa nyang pinisil pisil ang aking mga kamay. "Kumain na po kayo ng almusal mahal na Prinsesa.. baby girl" sabi nito habang malagkit na nakatitig sa akin. Kinurot ko ang tagiliran nya dahil sa kanyang biro. "Ano ka ba. Hindi naman ako prinsesa. Hindi naman ako tunay na anak. Aampunin lang ako." Sabi ko sakanya "Eh, para sa akin isa kang prinsesa kahit dati pa... Aking prinsesa." Namula ang mga pisngi ko sa sinabi ni Gabriel. Napangiti sya sa akin at hinatak ako. "Saan tayo pupunta? Akala ko kakain na?" Nagtataka kong tanong. Pero laking gulat ko ng dalhin nya ako sa may dining area. Ginagamit lang daw ang mesang iyon kapag nandito sa Maynila ang mag-asawang Montenegro. Moderno at elegante ang dining set na iyon. Mayroon pa itong labing dalawang eleganteng upuan. Para talaga sa may malaking pamilya. Siguro ay nangarap talaga ang mag-asawa na magkaroon ng maraming anak. Nabigla ako na may nakahaing pagkain sa napakagandang mesa. May bacon, ham, hotdogs and eggs. May masasarap na tinapay at may isang baso ng gatas. Nakangiti sa akin si Madam habang nilapag ang pitsel ng tubig sa mesa. "Halika na at kumain ka na dito Miss Anna" sabi pa ni Madam. At tama ba ang narinig ko tinawag nya akong miss? At totoo ba ito? Kakain ako sa napakagandang dining table na ito.? "Dito po talaga ako kakain?" Laking gulat ko Nagkangitian si Gabriel at Madam. "Oo naman. Yan ang ibinilin ni Mr. Montenegro. Itrato ka daw namin na parang prinsesa. Kaya mula ngayon dito ka na kakain" sabi nito. Naupo ako sa maganda at napakalambot na upuan at nakatitig sa dami ng inihain sa akin. "Kain na po tayo. Halika na po" pagyaya ko sa kanila. Umiling iling sila sa akin na syang aking ipinagtaka. "Naku. Hindi na kami pwedeng sumabay sayo. Ikaw na ang nag-iisang anak nila Mr. Montenegro kaya hindi na pwede" sabi ni Gabriel Medyo nalungkot ako sa sinabi ni Gabriel. Simula ngayun ay mag-isa lang akong kakain? Ganito ba talaga? Porket nagbago ang katayuan ko sa buhay ay hindi na ako pwedeng makisama sa kanila? "Kailangang masanay ka na Miss Anna! Maraming magbabago sa buhay mo simula ngayon" sabi ni Madam Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Madam. Nagsimula na nga akong kumain ng ako lang. Sa totoo lang ngayon lang ako nakakain ng ganito kasarap. Hindi kasi ganito ang inihahain ni Madam sa almusal nung magkakasama pa kami. Mapaparami pa yata ang kain ko. Nang aktong aabutin ko ang bacon para tikman , ay agad itong kinuha ni Gabriel. Ikinuha nya ako ng ilang piraso at inilagay sa aking pinggan. Hindi talaga ako sanay ng ganito, nakatingin lang talaga sila habang kumakain ako? "Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo. Huwag kang mahihiya" sabi ni Madam Pero nahihiya pa din akong tumugon sa kanya. Itinuloy ko na lang ang aking pagkain. Sabi nila ay dapat daw na masanay na ako. Dapat ay umpisahan ko na ito. Pagkatapos kong kumain ay sinabihan ako ni Madam na maligo na at magbihis dahil may pupuntahan daw kami ni Gabriel. Agad ko naman syang sinunod. Wala akong ideya kung saan kami pupunta. Naghihintay lang ako sa may entrada ng mansyon. Kung dati ay sa likuran lang ako dumadaan, ngayon ay pwedeng pwede ko nang gamitin ang pintuan sa may entrada ng mansyon. Napakaganda ng pinto na iyon, pakiramdam ko ay isa akong tunay na prinsesa kapag lumalabas ako sa pinto na iyon. Kaya lang ang suot ko ay isang simpleng maong pants at blouse lang na ibinili sa akin ni Gabriel noon. Parang hindi bagay sa mansyon na ito. Maya maya pa ay pumarada sa harapan ko ang isang napakagandang sasakyan. Wala akong ideya kung magkano ang sasakyan na ito pero nararamdaman ko na sobrang mahal ang presyo nito. Isa lamang ito sa sampung sasakyan ni Mr. Montenegro, na nakaparada sa napakalaking garahe. Kung tutuusin sa laki ng garahe na yun ay pwede na itong gawing bahay. Mas malaki pa nga ang garahe na yun kaysa sa bahay ng Tiya Celia. Iniluwal ng magarang sasakyan na iyon si Gabriel. Napakatikas talaga ng pangangatawan nya. Suot nya ang isang semi barong polo shirt. Napakagwapo nya at mukhang pormal na pormal sa kanyang suot. Buong puso syang nakangiti sa akin. Binuksan nya ang likurang bahagi ng sasakyan at inalalayan nya akong umakyat doon. Aba. Para talaga akong isang prinsesa. Sya ba ang magiging driver ko? Napakagwapo naman pala kung ganun. Kumportable akong umupo sa kotse. Malamig ang aircon ng kotse at napakabango ng amoy ng loob. Pangmayaman talaga. Sumakay na rin si Gabriel at nagsuot ng seat belt. Ngumiti sya sa akin. "Ready ka na Baby Girl" sabi nito. Agad na nya pinaandar ang kotse. "Saan tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong "Sa isang high end mall. Bibili tayo ng mga bago mong damit, sapatos at bag. Kahit anong gusto mo" masayang sabi ni Gabriel Napanganga ako at nasabik sa sinabi nya. Bibili kami ng mga bagong damit na babagay sa mansyon na iyon. Yung mga damit na masasabing anak ako ng isang mayaman. Pero nagkunot muli ang aking noo. "Saan tayo kukuha ng pera?" Nag-aalala kong tanong. Ngumisi sa akin sa Gabriel. Habang nasa daan pa rin ang kanyang mga mata. "Magwiwithdraw muna tayo sa account ni Lola Bella. Aayusin pa kasi nya ang sarili mong bank accounts para doon ihulog ni Mr. Montenegro ang perang para sayo. Panggastos mo" paliwanag nito. Magkakaroon pa talaga ako ng sarili kong account sa banko? Isang napakagandang panaginip nga ito. "Sa ngayon, 200,000 lang ang dapat natin gastusin para sa mga damit at sapatos mo." Sabi ni Gabriel. Nalaglag ang mga panga ko. Sobrang laki ng 200,000 para lang sa mga gamit? Pwede na akong makabili ng lupa nun sa probinsya namin. Pero ipambibili ko lang ng gamit ko. Grabe. Sobrang dami talagang pera ng mga umampon sa akin. "Kulang pa nga daw yun sabi ni Mr. Montenegro. Gusto nya kasi ay bilhin natin ay yung pinakamahal na mga damit at sapatos." Dagdag pa ni Gabriel Halos hindi na ako makahinga sa mga sinasabi ni Gabriel. Tumatalon ang puso ko sa sya at pagkasabik. Ayoko ng magising sa panaginip na ito.  Nakarating na nga kami sa mall. Gaya ng pagpasok ko kanina ay inalalayan din ako ni Gabriel na lumabas ng sasakyan. Nasasabik akong mamili ng aking mga damit. Nauuna sa akin si Gabriel. Sinusundan ko lamang sya. Pagpasok sa mall ay naramdaman ko ang lamig ng aircon. Mas malamig dito. Napakapit ako sa aking braso. Dinala muna ako ni Gabriel sa isang bilihan ng mamahaling damit pambabae. Pagpasok pa lamang namin ay namangha na ako sa ganda ng mga damit dito. Agad kami binati ng mga staff doon. Lalo na kay Gabriel, mas inaasikaso nila si Gabriel. Kahit sino naman ay kikiligin kapag nakikita ang lalaking ito. Ang mga babae ay parang hindi magkanda-ugaga sa pagtatanong dito. "Hi sir. Para po ba sa girlfriend nyo? Marami po kaming new designs" pagpapacute ng babae sa kanya. Nakangiti lang si Gabriel habang tumitingin ng mga damit. Napukaw ng aking mata ang isang off shoulder red dress. Napakaganda nito. Hinawakan ko ito. At parang sinusukat sa aking katawan. Napakaganda ng tela. Hindi ko napansin na nakatingin pala sa akin ang isang sales lady. Nakaarko ang mga kilay nya at nilapitan ako. "Dapat ang una mong tinitignan ay ang presyo nyan bago mo isukat sukat" mataray na sabi nito. Nanliit naman ako sa narinig ko. Agad kong tinignan ang price tag at nagulat ako na nagkakahalaga ito ng 5,000 pesos. Napayuko ako at ibinalik sa dating pwesto nito ang dress. May nakakaasar na ngiti ang babae sa akin, na para bang nagsasabi na hindi ko kayang bilhin iyon at hindi bagay sa akin iyon. Agad lumapit si Gabriel sa akin at parang naramdaman ang tensyon. "Nagustuhan mo ba yan Miss Anna? Bibilhin natin yan" sabi ni Gabriel sabay kuha ng dress. Nagulat ako sa sinabi nya. Biglang nag iba naman ang ekspresyon ng mukha ng babae kanina na minamaliit ako. Para syang napahiya sa mga narinig at napagtanto nya yata kung sino talaga ang dapat nyang asikasuhin. Tinignan nya ako muli at nginitian. "Ma'am marami pa kaming magagandang designs dito. Eto po oh" sabi ng babae. Ngayon naman ay panay ang asikaso sa akin ng babae. Napataas noo ako at ngumiti. Marami akong napiling magaganda at mamahaling damit. Binili namin lahat ng magustuhan ko. Pagkatapos sa mga damit ay nagtungo naman kami sa mga sapatos. Syempre yung pinakamaganda at pinakamahal ang pinili ko. Meron akong rubber shoes, stilletos, mga eleganteng sandals, at ang tsinelas na gagamitin kong pambahay lang ay nagkakahalag a ng 2,000 lang naman. Hindi ko na mabilang kung ilang mga branded stores ang napuntahan namin, basta napakasaya pala nito. Ang bilhin lahat ng gusto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD