Nakaramdam na ako ng gutom. Sobrang dami ng pinamili namin. Maya maya pa ay nagyaya si Gabriel na kumain. Napatapat kami sa isang fine dine restaurant. Sinilip ko ang mga kumakain doon at talagang lahat ay mga mayayaman at sosyal na tao. Nakaramdam na naman ako ng panliliit sa sarili. "Pwede ba doon na lang tayo sa nakasanayan ko. Sa simpleng fast food na lang" nakangiwi kong sabi. Nanlaki ang mga mata sa akin ni Gabriel at maya maya pa ay tumawa sya sa aking harapan Napasimangot naman ako sa ginawa nya. Gusto ko lang naman kumain kung saan ako kumportable. "Sanayin mo na ang sarili mo sa ganito. Yung mga ganitong restaurant ang dapat mong kainan. Kailangan kang masanay sa mga nasa paligid mo. Masanay sa lasa ng pagkain dito. Unti unti, magiging madali din yan para sayo." Sabi pa nito.

