Bumuhos pa ang luha sa aming mga mata. Hindi ko matanggap na pinaglalaruan ni Gabriel ang buhay ko. Pero bakit? Paano nya ito nagawa sa akin? Umikot sya sa akin na para bang tinitignan ang buo kong pagkatao. Hinahalukay ang aking mundo. May kalahati syang ngiti sa akin. "Ngayon ay ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat lahat. Pakinggan mo ang bawat sasabihin ko sa iyo." Matapang na sabi ni Gabriel. Humihikbi akong tumitig sa kanya. Ibang Gabriel ang nasa aking harapan. Hindi sya ang Gabriel na nakilala at minahal ko. Hindi sya ang Gabriel na lagi akong inaalagaan at ipinagtatanggol.. Bumalik muli sya sa kanyang kinauupuan. Sinandal nya ang kanyang buong likod sa malambot na sandalan ng office chair. Nakadekwatro sya habang seryosong nakatitig sa akin. Nakatitig sya sa mga mata ko, na tila b

