Tumakbo ako ng tumakbo palayo sa malaking building na iyon. Hindi na ako lumingon pang muli. Ni hindi ko nga alam kung sinundan ako ni Gabriel. Marahil ay hindi na din nya ako sinundan pa. Marahil ay pinabayaan na nya akong makalayo at makatas sa kanya. Wala na syang pakialam sa akin. At mas lalo ako sa kanya.. hinding hindi na ako babalik sa puder nya na puno ng kasinungalingan. Sa kakatakbo ko ay hindi ko na namalayan ang mga sasakyan na sumasalubong sa akin. Pamilyar ang ganitong eksena sa akin.. para bang nanumbalik noong unang tumakas ako sa casa. Noong panahon na nagkrus ang landas namin ni Gabriel. Pero.. iba ang nangyari ngayon. Nakita ko na lamang ang aking sarili na nasa gitna ng malaking kalsada. Biglang tumigil ang mundo ko. Nasa gitna ako ng kalasada kung saan may mga sasa

