Matagal akong nakapikit habang nasa loob ng misteryosong kwarto. Parang hindi ko kayang idilat ang aking mga mata. Pinapakiramdaman ko munang mabuti ang paligid. Naramdaman ko ang tagaktak ng pawis sa aking noo na tumutulo sa gilid ng aking sentido. May kung anong takot akong nararamdaman. Paano kung magpakita sa akin ang matandang Montenegro? Paano kung pagdilat ko ay sumambulat sa akin ang nanlilisik na mga mata ng matanda. Mas lalong natakot ang aking puso. Huminga ako ng malalim. Nilakasan ko ang aking loob na idilat ang aking mata. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Para masilayan ko na ang nilalaman ng kwartong ito. Pagmulat ko... Tumambad sa akin ang napakagandang kwarto. Mas maganda ang kwarto na ito kaysa ibang mga kwarto na nililinis ko dati. Biglang nawala ang

