Parang may nagrarambulang mga pusa sa loob ng aking dibdib habang nasasaksihan ang paglapit sa amin ni Gabriel. Matalim pa rin ang mga titig nya sa amin. Mabilis na ang paghangos ko at hindi ko na alam kung paano makakuha ng hangin sa sobrang tensyon na aking nararamdaman. Nang biglang... "Ohh. Gabriel Sebastian is here!" Gulat at bulalas na sabi ni Mrs. Guererro. Lahat sila ay napalingon sa papalapit na si Gabriel. Ang kanyang mukha ay bigla na lamang nag-iba. Biglang napihit sa isang maamong mukha. Ang kanyang ngiti ay hindi mapatid. Agad nyang niyakap at bineso ang ina ni Marcus. Binati din sya ni Mr. Guererro. Isang pagbati na para bang ang tagal na nilang magkakakilala. Pinansin din nya si Marcus at binati sa kanyang kaarawan. Maging si Marcus ay naguluhan kung bakit kilala ng ka

