Naalimpungatan si Tina sa ingay na nanggaling sa sala. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay na nakayakap sa kanya ng tulog na tulog na si MK. Dahan-dahan siyang bumaba at pinulot ang polo ni MK sa lapag. Isinuot niya ito at paika-ikang lumabas ng kuwarto. Cellphone pala niya ang panay ang tunog. Nahinto ito sa pag-ring ng kunin niya at nagulat siya sa dami ng miscalls ng kanyang ina at ni Ems. Napatingin siya sa oras at nagulat siya dahil madaling araw na pala.Napasarap ang kanilang tulog sanhi ng love making nila ni MK at maging hapunan ay nakalimutan nila. Masasakit ang mga maseselang parte ng kanyang katawan at namaga ang kanyang mga labi. Wala siyang pinagsisihan sa ginawa niya. Nagbayad lang siya sa utang na loob niya kay MK. Ngunit sa kabila ng lahat ay lihim pa rin siyang umaasam na

