"Sir, excuse me po. Delivery para kay Miss Cristina Vergara.” Napahinto sa pagpasok si MK sa restaurant. Kausap ng guwardiya ang isang delivery boy na may dalang bouquet of flowers. Hinarap ni MK ang guwardiya pagkaalis ng delivery boy. “Ano yan?” “Para kay Miss Cristina po,” sagot ng guwardiya. Kumunot ang noo ni MK. Sino ang nagpadala ng bulaklak kay Tina? “Sige, ako na ang magbibigay.” Kinuha ni MK ang bouquet at dumiretso sa men’s room saka itinapon sa isang covered waste basket ang mga bulaklak. Binasa niya ang message card at kumulo ang kanyang dugo ng mabasa kung kanino galing ang mga bulaklak. Panay ang sulyap ni Tina sa pintuan. Inaabangan niya ang pagpasok ni MK. Lumukso ang kanyang puso ng makita niyang pumasok na ito. Araw-araw na siyang nasasabik na makita ito. Wala sa lo

