Nasa dressing room si MK at habang tinutulungan siyang magbihis ng stylist na si Barbie ay walang tigil sa pagdial ng cellphone ang binata subalit talagang can’t be reach ang number ni Tina. “Mark, remember you must be extra sweet sa opening number n'yo ni Kim mamaya,” paalala ng manager ni MK. “Okey,” wika ni MK na hindi nakatingin sa kausap. Nakatingin kasi siya sa pumasok na text ni Tina sa kanyang cellphone. “Patay na si Papa Manuel.” Napahugot ng malalim na hininga si MK. Naawa siya kay Tina at kailangan nito ng karamay subalit hindi siya puwedeng umalis. Nagdial siya uli. “Hello Mom, I need your help.” == SA isaang funeral parlor. “Marami pong salamat Ma'am Alex sa tulong nyo. Nakakahiya po sa inyo. Naabala namin kayo,” paumanhing wika ni Bea sa ina ni MK. Ang ina ni MK ang

