Nang makaalis si MK ay nakaplaster pa rin sa pisngi ni Tina ang saya dahil sa pagdalaw ng binata sa bahay nila. Ikinatuwa niya ito ng husto dahil medyo nagbago na ang tingin ng kanyang ina sa binata. Napatingin siya sa mesa na pinaglagyan niya ng bigay ni lolo Manuel. Kinuha niya ito at tinanggal ang balot ng may malaglag na maliit na bagay. Pinulot niya sa sahig ang nahulog at tiningnan. Isang wallet size na lumang litrato. Picture ito ni Lolo Manuel noong ito ay medyo bata pa at may hawak itong baby na may pink ribbon sa ulo. Tiningnan niya ang likod ng litrato, may nakasulat at medyo malabo na pero mababasa pa rin. Napanganga siya sa pagtataka ng masipat ng husto ang nakasulat. Kumpletong pangalan niya ang nakasulat at pati na ang kanyang birthday. Sumikdo ang kanyang dibdib, diyata’t s

