Lumipas ang araw na hindi nagkikita sina Tina at MK. Tumatawag naman ito sa kanya at nangakong darating sa libing ng kanyang ama. Inunawa ni Tina si MK dahil alam niyang sobrang abala ito sa ginagawang pelikula sa isang malayong isla. Naging abala na rin si Tina sa pagsasa-ayos ng mga kailangan sa libing ng kanyang ama. Dumating ang libing ni Tatay Manuel. Marami ang nakipaglibing na mga beteranong artista, ganoon din ang mga magulang ni MK. “Tina, pasensiya ka na kung hindi nakarating si MK. Na-delay kasi ang flight nila pabalik,” paumanhing wika ng ina ni MK habang gagap ang mga kamay ng dalaga. “Naunawaan ko po Mam Alex.” Malungkot ang ngiti ni Tina. Alam niyang busy sa trabaho si MK at ang presensiya ng mga magulang nito ay malaking bagay na sa kanya dahil naglaan ng oras ang mag-as

